Chapter 101: Mistaken

1K 128 76
                                    

Noong sinabi ni Jaesie na hayaan ko na lang lumabas ang totoo, nakonsiyensiya pa ako kasi nga may ebidensiya ako.

Kaso pangatlong araw, 'tang ina, kalat na kalat na sa kung saan-saan na nagkaroon daw ng confrontation between Tita Tess and Bettina.

Sa isip-isip ko, shet! Si Mother Monster na ang humarap sa girlfriend kuno ng panganay niya.

Malamang na ipinadala ako ni Tita Tess bilang first defense and offense ng mga Dardenne. Alam ko namang mabait ako kaya ako ang pinaharap niya kay Bettina. Ang kaso kasi, ghinost ko nga rin siya. Kaya siguro siya na ang sumugod doon sa babae.

"Eto na nga ang chika, baby boy," mahinang sabi ni Vicky paglapit ko. "Nag-visit si Mommy D dito last night, looking for Bettina girl."

"O, tapos?"

Sabay pa kaming naglakad papunta sa blangkong counter dahil hindi pa sila bukas.

"Shuta, mars, huminto ang revolution ng Earth kagabi pagtapak dito ni Mommy D! Nagka-panic attack ang mga knows si Mother Dearest including me! Juskolord!"

Nagpagpag pa siya ng kamay sa gilid ng ulo habang kinikilabutan.

"Nakita niya si Betty?" tanong ko agad.

"Ay, honeypie! Nang hindi ma-sight ni Mudrakels ang babaitang Betty, sinakop kami ng Men in Black! My goodness gracious!" Pinagtuturo niya ang paligid. "May over there, may over here. Grabe, mars, para kaming ni-raid ng PDEA!"

"Dinukot si Betty?"

"Ay, uhmp!" Nakangiwi siyang itinuro ang mukha ko ng hintuturo niyang mahaba ang pulang kuko. "Para silang may showdown sa dance floor, Dong! Ang Mommy D ay naka-angelic white dress and pearly shells from the ocean. Ang Bettina girl ay kita ang puso't kaluluwa. No phones allowed last night sabi ng Men in Black, so keep the memories in mind na lang talaga ang ganap sa amin, dear."

"So, hindi dinukot si Betty," paninigurado ko.

"Baby boy, si Bettina girl na mismo ang nag-offer na sa iba na lang sila mag-usap, pero si Mother Dearest ang nag-decline. Hindi raw niya dadalhin somewhere ang babaitang wititit kasi baka isipin ng mga audience kagabi, isa-salvage siya. E di sa dance floor ang confrontation!"

"Tapos?"

"Kumeme si Mommy D ng ang lakas daw ng loob ni Betty girl na huthutan ng pera ang anak niya. Si ate mo girl, palaban din, tinawanan si Mommy D. Ay, sows! Maniwala ka, mahal, ako ang na-afraid sa kanyang life and soul. If she only knew, kaya siyang durugin ng heels ni Mother Dearest last night, huwag siya!"

"Pinatulan ba ni Tita?"

"Somehow. Pero salute kay Madame Diyosa, ha. Finesse kung finesse! Magkasundo na lang daw silang dalawa. Eto na si Banker to the rescue. Nag-Deal or No Deal sila with live audience, bakla! Five million, layuan mo ang anak ko. Ay, 'te! Uhmp!" Naituro na naman niya ang mukha ko. "Five million pesosesosesoses, don't me. In fucking cash na nasa briefcase pa!"

"Kinuha ni Betty?"

"Nag-No Deal si Bakla! Atapang atao, hindi atakbo! Sa mind ko, bhie, sinasabi ko na, girl, grab mo na 'yan! Kapag nabuwisit si Madame sa mukha mo, ikaw ang hahatiin niyan sa five million pieces, gaga ka!"

"Ano'ng ginawa ni Tita?"

"Tinawaran ng ten million pesos at buhay ng lahat ng nandito kagabi! Ay, shutanginamers, sabi ko na sa mga bouncer, kapag hindi pa 'yan tinanggap ng bobang 'to, magbabasag ako ng vodka, ako na ang sasaksak sa kanya."

Shet!

"Ay, 'te! Maniwala ka, magpasalamat siya kay Mommy D kasi kung hindi, kuyog talaga siya kagabi. In-escort pa siya palabas ng Men In Black with all courtesy, kumuha pa ng taxi para sa kanya, pakak ang lola mo Betty! Pero infer, lady of culture talaga ang Mama mo Dardenne. Kung ako 'yon, kinaladkad ko na siya palabas ng bar na 'to. Aaaysooos! Huwag niya 'kong susubukan!"

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon