Chapter 23: Fear

1.1K 112 75
                                    

Ayan, this chapter is dedicated to JaneJoe28. Maraming maraming salamat sa matiyagang paghihintay ng update!


♥♥♥




"Magkano ang budget natin, 'tol?"

Eighteen years old, maliban kay Rico na nineteen na, hindi naman ganito ang usual trip naming magbabarkada pero wala na kasi kaming choice. Nagpaplano kami ng gagawin sa casino.

May idea ba kami sa gagawin?

Elementary pa lang, exposed na ako sa teamwork. First year high school nang makasama ko si Rico sa ganitong strategy group work, pero sa scouting pa 'yon sa school noong namundok kami at kasama pa si Mat.

More like survival skill, papasok sa maze, makikipaglaban sa ibang team—hindi bugbugan, opkors—at kailangan naming gawin ang lahat para makalabas sa pinaka-maze at makuha ang reward.

School activity 'yon e. natural kailangan naming i-survive. Pero doon lang nagsimula ang strategy skills na meron ako. Mas nag-improve lang ako noong nakasama ko na ang mga kaklase ko noong fourth year high school ako.

Pumupunta kasi kami ng mga lamay. Yung lola ng kabarkada ko, kinuha na ni Lord, e di dayo kami sa kanila. Para-paraan kami para makakuha ng maraming pera sa mga nagsusugal doon.

Si Leo, magaling sa sign language. Tinuruan niya kami ng basic. Ako, tinuruan ko naman sila ng kaswal lang na kilos na hindi mukhang signal. Halimbawa, magtataas ako ng kaliwang braso, kunwari, tinitingnan kung butas ang damit ko sa bandang kilikili. Tapos pasimpleng gagawa ng hand sign para sa baraha ng kalaban na tatapatan.

"Hindi kami puwedeng tumambay ni Will sa iisang lugar na malapit sa mesa n'yo," paalala ko kina Rico. "Literal na dadaan lang kami kaya kung hindi n'yo makikita ang senyas namin, hindi na namin uulitin 'yon. Kasi mapapansin na kami ng ibang player sa area."

At kahit pa sabihin ni Mother Shin na hindi kami pababantayan sa mga guard ng casino, hindi naman kasama roon na hindi kami pababantayan sa mga guard na kasama ng mga player. Labas na 'yon sa kanila, at hindi na namin makokontrol 'yon.

Habang nakatitig ako sa improvised blueprint na gawa ni Leo, nanghihinayang pa rin ako na magshi-shift siya sa mechanical engineering at iiwan na talaga ang architecture.

"Ganda ng plate a," papuri ko pero pabiro. "Lagyan ko nga 65 dito."

"Ulol."

Binuo ni Leo ang lahat ng aisle at ano ang meron sa mga 'yon.  Mas marami ang table para sa 5-card poker. May hiwalay na aisle para sa mga nagma-mahjong.

"Tatlong beses lang kaming iikot ni Will dito sa Table 5C kung dito kayo uupo," sabi ko sa kanila habang tinuturo ang parte ng plate ni Leo na bandang dulo na. "Sa dalawang chance na meron kayo, hindi kami lalapit dito. Kung suwertehin kayo, e di very good. Kung hindi, good game na lang."

Sinulatan ko ng oras ang isang page ng planner ni Rico na ilan lang ang kaplano-plano niya.

"Papasok si Early Bird saka si Patrick nang magkasama. Dapat makita sila ng mga security camera na magkasama sila lagi. Kapag nakilala sila ng guards, madali nang malaman na hindi nandoon si Rico na mag-isa lang."

Nagsulat pa ulit ako ng panibagong oras kung kailan papasok si Leo.

"Nakita na kayo ng mga guard na magkakasama kaya malamang na natatandaan na kayo ng mga 'to. Wala na tayong magagawa, kailangan pa ring ipakita na magkakasama pa rin kayong tatlo. Pero kung kaya mong sumugal ng ilang chips, Leo, kumuha ka ng ibang table. Susubukan kong umikot sa mesa mo kung kaya."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon