Chapter 28: Dawn of Darkness

1K 106 74
                                    

Ayan, this chapter is dedicated to gctionko na solid ABS reader at isa sa masisipag mag-comment kada story. Salamat po sa matiyagang pagbabasa sa napakahabang series na ito hahaha

Anyway, special mention kay Ate @.coffeexated sa Twitter na talagang naglalapag ng kanyang mga reaction doon at nakikita ko kapag napapadpad ako sa blue bird site.

If may hanash or feedback kayo sa ABS series or latest update, tag or mention n'yo ako minsan sa Twitter @BuncarasElena para masaya. Saka para makapag-thank you ako rito sa inyo paminsan-minsan hahaha Ayern, Enjoy reading!




♥♥♥



| Inaabangan na nila ang grupo nina Apollo sa Seaside

   | Ang daming watcher ngayon. MIA pa rin yung grupo nina Apollo

      | Naduduwag na siguro kaya ayaw nang magpakita hahahahahaha


Noong sinabi ni Mother Shin na hahabulin kami ng gulo, nagkatotoo ang sinabi niya.

Hindi mahirap hanapin kung tagasaang school kaming magbabarkada. Pero ang target ng lahat? Si Patrick.

Si Pat ang owner ng Lamborghini na nakompromiso. Ang info na ibinulong sa akin ni Tygah, manalo o matalo sa huling laban namin, isasauli ni Jackson ang Lambo.

Sinabi ni Mother Shin na kaya niyang bawiin ang kotse, at iyon ang pinanghawakan ko. Pero masasabi kong propesyunal na ngang talaga si Mother Shin. Hindi na kasi 'yon tungkol sa pakiusap ko.

Si Jackson mismo ang may nilabag sa rules ng night track kaya nagkagulo-gulo na.

Isasauli ni Jackson ang Lambo ni Patrick kasi wala sa agreement na pinagkasunduan ng lahat ng handler na kukuha sila ng premyo na hindi cash.

At hindi cash ang Lamborghini.

Ibig sabihin, lahat ng "bagay" na mapapanalunan ng mga racer: kotse, babae, bahay, etcetera, as long as hindi pera, automatic na mapupunta sa Red Lotus—kay Mother Shin. At hindi isinurrender ni Jackson kay Mother Shin ang kotse ni Patrick, na dapat ginawa niya gaya ng agreement mula pa noong hindi pa kami tumatapak sa Coastal.

Nanalo si Pat, malinaw na malinaw. Pero kahit hindi siya manalo, ibabalik pa rin sa kanya ang kotse kasi nakuha 'yon nang walang permiso ng may-ari ng lugar.

Ngayon, hina-hunting si Patrick ng mga taga-Coastal kasi pinag-iinitan sila ng mga taga-Red Lotus. Pero higit sa lahat, hinahanap kaming grupo kasi parang bumagsak ang pusta sa night track pag-alis namin.

Bumaba nga rin daw ang pasok ng pera mula nang mawala kami. Kaming magbabarkada lang ang naglalabas ng mahigit singkuwenta mil kada gabi kaya ang laking epekto n'on sa record nilang lahat na mula 50k, ang maximum bet na natatanggap ni Tonette, nasa 8k lang kada gabi.

Ang ingay ng cyber space. May mga araw na tutok lang ako sa laptop at bina-block ko ang lahat ng threat sa barkada ko. Sa sobrang dami nila, at sa sobrang inis ko, gumawa ako ng prototype software—malware—na magta-track sa lahat ng gustong saktan kami.

Ultimo habang nasa klase, sinusubukan kong gumawa ng maayos na program para lang sa storage ng mga taong hindi ko dapat hayaang makalapit sa barkada ko.

Gumawa muna ako ng worm. Sobrang basic lang niya at ikinalat ko sa comment section ng bawat main post. Ang target ko, yung mga gagong buwisit na buwisit sa amin kasi nga, effortless daw kaming makakuha ng babae.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon