Chapter 16: Informant

1.4K 126 40
                                    

Good news: May kotse na si Pat!

Bad news: Naipatalo sa pustahan.

Nakikinig lang ako sa stress ni Leo at parang gusto ko na lang mamapak ng Mik-Mik tapos bubugahan ko siya habang tumatawa.

Matalino si Patrick. Ikaw ba naman magkaroon ng 138 na IQ, walang makakapagsabi sa 'yong bobo ka.

Pero ang bobo nga naman kasi, sabi nga ni Leo.

147 ang IQ ko, mas mataas sa kanya nang ilang tumbling lang, kaya nga tinitimbang ko kung saan sa left hemisphere ng utak niya ang biglang pumalya noong nakipagkarera siya nang wala man lang kaabog-abog.

Kasi kung nasa tamang katinuan ka, doon pa lang sa chance mong manalo, dapat nakapag-isip ka na. May time naman siya para ma-calculate ang probability of success sa isang car racing—at oo, 50% chance of winning nga naman kasi 'yon. Dalawa lang kayong maglalaban, partidahan na.

Let's say mataas nga ang chance mong manalo kasi 50% din 'yon kumpara sa regular racing na madalas, nasa mahigit lima ang kalaban mo sa karera. But that doesn't mean and it was never an equivalent to a higher chance of winning kasi ang percentage mo ng losing chance, 50% din. In short, game of chance lang talaga siya kung lumaban siya sa karera nang walang idea sa kalaban niya.

Naiintindihan ko naman ang inis ni Leo, pero hindi nga kasi namin ka-level si Patrick. Nambuburaot lang kami ng pagkain kasi mga batang yagit lamang kami na biniyayaan ng good looks at Calvin Klein eu de parfum; kina Patrick, humiling lang siya ng lechon baka na isang buo, after an hour, may lechon baka na siyang isang buo. Hindi na niya kailangang mamburaot.

Kumbaga, masasabi niyang, Lamborghini "lang" naman 'yon. Kahit kapag sinasabi ko yung salitang "lang" para sa Lamborghini, naglalabasan na ang mga litid-litid ko sa leeg kasi ang hirap sabihin.

Ayokong magalit kay Patrick, ayoko rin siyang sisihin. Iniisip ko na lang na baka sandaling nag-malfunction ang utak niya habang ongoing ang brain lateralization niya noong inalok niya ang kotse niya bilang pamusta.

Kahit pa sobrang meh ng rason na 'yon para papaniwalain ko ang sarili kong hindi sinasadya ni Patrick na ipatalo ang brand new car niyang installment pa nga.

Natatawa ako sa frustration habang iniisip ko. Bike ngang tatlo gulong, hindi ako makabili, Lamborghini pa kaya?

May kinakausap na sina Rico na Calvin Dy raw na tagakabilang university. Natatawa ako, real talk kung real talk kasi.

Tambay kami nina Leo sa kanto ng Intramuros, nagyoyosi kami sa gutter ng kalsada.

"Ay, gagi, wait!" sabi ko nang may ma-realize ako. "Paano pala 'yon?"

"Ang alin?" tanong ni Will.

"What if malaman ni Uncle Bobby na napatalo yung Lambo sa pustahan? Kasi, gagi, wala namang ibang bahay si Pat."

Napakamot na lang ng ulo niya si Leo. "Alam mo, dude, problema na ni Patrick 'yan. Gumawa siya ng paraan para hindi 'yan malaman ni Sir Bobby kasi patay talaga siya sa erpats niya kapag nalaman n'on ang nangyari."

Dinadaing na kami sa puwesto namin, saka lang lumabas sina Rico saka yung baby naming nanunulis ang nguso habang nakayuko.

"Ano'ng ganap?" tanong ko agad. Tumayo na rin ako saka nagpagpag ng pantalon.

"That Calvin agreed na tulungan tayo, but with a condition," sabi ni Rico.

"Na ano?" tanong ni Leo.

"He'll join this barkada."

"Join sa barkada?" sabay-sabay naming tanong na naiwan sa labas.

"Bakit sasali, wala na nga tayong makain?" tanong ko, at nasampal agad ako ni Leo sa pisngi dahil doon.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon