Chapter 29: Gala

1.1K 121 81
                                    

Light chapter for today before the storm hahaha this chapter is dedicated to akosiaey na first comment natin last update. Thank you, thank you sa pagbabasa, mhie! Enjoy reading!

♥♥♥



Mid-term pa lang pero parang natapos na ang school year para sa barkada.

Grounded na si Patrick. Pinalayas na sa boarding house si Leo. Wala na kaming tambayan.

Nalaman ni Uncle Bobby ang tungkol sa deadly love letters para kay Patrick. Nag-file kami ng police report tungkol sa nangyaring pambabato sa boarding house ni Leo kaya nga hindi na kami welcome doon.

Nakalkal pa ang ibang threat sa amin. Tinatakot kami ng ibang taga-Coastal at nakarating 'yon kay Tita Tess.

Kung may isang bagay man na ayaw na ayaw ni Tita na ginagawa sa anak niya, 'yon na malamang ang i-bully si Rico. What more kung death threat pa?

Nalaman din ni Mami saka ni Dadi ang death threat na pati ako, nakakatanggap. Tinanong ako ni Mami kung ano ang dahilan ng threat. Wala akong ibang nasabi kundi ang thread sa online na kahit sila, puwede nilang makita.

Ang yayabang daw namin porke mayayaman.

Pinipilahan ng mga babae.

Mang-aagaw daw kami ng girlfriend nang may girlfriend—samantalang si Calvin lang ang taken sa aming anim.

Matatapang lang kami kasi may kapit.

Aabangan daw kami sa labas ng school para lang bugbugin kami.

At kahit anong hanap ko ng tungkol sa Coastal o sa karera, wala kaming nahanap doon sa mga thread na 'yon. Ang iniisip ko, kung yung huling nag-drop ng tungkol kay Mother Shin, hindi pa nakikita until now, baka isa 'yon sa dahilan kaya walang nagbabanggit ng tungkol sa nangyayari sa Coastal.

Nag-file lang din ng police reports sina Mami para sa buong barkada at sa threats na natanggap namin. Hindi sila naghigpit sa akin, hindi gaya ng ginawa nina Uncle Bobby at Tita Tess kina Rico at Patrick, damay na si Leo. Pero pinagsabihan na ako ng parents ko na hindi magandang napapasok ako sa gulo.

Nalulungkot ako para sa barkada, pero inisip ko na lang na para din sa amin 'to.

Sembreak nang magkaroon ako ng dilemma kung magbi-beach na ba o stay lang ako sa Manila. Sabi ko kay Mami, gusto kong magbakasyon. Inaya niya naman ako sa Bulacan, hiking daw kami.

Nag-thank you na lang ako sa offer ni Mami. Kasi ang "hiking" niya, dadayo ulit siya sa bundok, kakausapin niya ang mga Dumagat doon para sa updated record na ilalagay sa cultural anthropology book.

Hindi naman sa ayokong samahan si Mami, pero sure kasi na hindi bakasyon ang dadayuhin namin doon, at gustong-gusto ko ng pahinga. Kasama niya naman si Dadi kaya hinayaan ko na sila sa malayo.

Grounded kasi sina Rico, Patrick, at Leo kaya mahaba-habang paliwanagan pa sa parents bago ko sila matangay.

Ang ending, tinawagan ko yung dalawang libre.

"William! Puta ka, bumangon ka muna, dali!"

"Dude?" Basag pa ang boses, mukhang kagigising pa lang. "Gago, 7 a.m. pa lang. May pasok ka ba?"

"Tagaytay tayo!"

"'Tang ina mo, natutulog pa 'ko."

"Alas-nuwebe sa Lawton, ha! Doon sa restroom! Kapag wala ka d'on, tutupiin talaga kita sa walo."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon