Chapter 14: Love Letters

1.3K 126 54
                                    


"Si Mum?"

"Oo."

Walang nagsasabi sa akin sa mansiyon ng mga Dardenne kung ano ba ang trabaho ni Tita Tess maliban sa owner nga raw ng security company. Nawiwirduhan lang ako sa mga reaksiyon nila kasi kapag nagtatanong ako, naka-smile lang silang lahat tapos walang sinasabi. As in kapag napupunta ako roon sa tanong, biglang nagbabago ang topic. Kaya nga si Rico na ang tinanong ko tungkol sa mama niya.

"Well . . ." Nagba-bobble lang ang ulo ni Rico habang ang mukha niya, parang nalilito rin mismo sa tanong ko. "Mum's work is kinda complicated."

"Paanong complicated?"

"She's a strategist. You know that job?" Nanliliit ang mata niya nang i-pause ang nilalaro naming video game.

"Strategist saan?"

"Hmm . . ." Tumingin pa sa itaas si Rico habang nakanguso. "Let's say, she's the one analyzing everything, like the problem and the solution. Ia-analyze niya ang problem, then malalatag siya ng effective plans to rectify the problem. Kapag nakita niyang problem ang isang business bilang competitor, gagawa siya ng way to overpower her competitors para siya ang mag-top. Sometimes, she needs to get rid of them. Sometimes, she's compromising. Something like that. More like a problem-solver."

Gusto ko sanang sabihing 'Kaya pala sinuhulan ako noon.'

"Pero yung security company?"

"She's hiring people to work for us."

"Anong work? Guard?"

"Yeah, something like that." Tumango naman siya at binalikan na ang nilalaro namin. "But she's spending in background investigators, especially sa mga employee ni Dad. Siya kasi ang file keeper ng mga information and other records sa company ni Daddy, and she didn't want some employee to mess things up again. It happened before na nagkaroon ng inside job sa finance department and we lost more than fifty thousand dollars. That's why super strict niya sa journals and books ng accounting department."

Patango-tango ako kay Rico pero hindi ko siya masyadong naintindihan.

Pinanghawakan ko na lang ang sagot na bigay ni Rico kasi mama niya naman ang tinutukoy niya.

•••

May agreement na kami ni Tita Tess na siya ang magbabayad ng tuition fee ko. Pero yung savings account ko sa bangko, may tuition din galing sa parents ko. At hindi nila alam na bayad na ang tuition ko mula sa pera nila.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ni Mami kapag nalaman niya pero baka pagalitan ako kasi nangingikil ako sa nanay ng kabarkada ko.

Nagpa-late ako ng isa pang taon kaya pare-pareho kami ng buong barkada na first year college.

Si Leo, nag-architecture.

Si Patrick, nag-take ng business administration.

Si Will, nag-take ng physical education.

Si Rico, nag-take ng nutrition and dietetics.

Ako, nag-take ng computer science.

Sa aming lima, ako pa lang ang may experience na sa college na more of academics. Si Rico kasi, mas lamang ang technical sa course niyang nauna kaya wala siya n'ong mga NSTP, PE, saka math subjects. Ngayon, meron na. Ako, hindi ko na 'yon ite-take kasi na-credit na sa unang course ko.

Magkakaiba kami ng school pero trip pa rin naming magkakasama kesyo hindi naman kami pare-parehas ng schedule.

Anim na subject na lang ang pinapasukan ko five days a week. Puro morning at isang afternoon class.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon