Chapter 110: Parting Ways

1.1K 116 57
                                    

Aaaahhh malapit na tayong maglipat-bahay. Dalawang chapter na lang after ng Jaesie era, lilipat na tayo ng ibang story at mapapalitan na ang title nito.

♥♥♥

Nag-buffet kami ni Sabrina.

Sinabihan na kami ni Tita Tess kung gaano ka-sensitive ang babaeng 'to sa pagkain. Kahit si Will, nire-remind din kami kung aayain namin si Sab na mag-eat out.

Puwede naman siyang kumain nang marami, ang kaso kasi, ang bilis tumaas ng timbang niya. Isang dinner lang, kaya niyang mag-gain ng isang kilo agad, kaya mamimili talaga siya kung lolobo siya o mag-e-exercise.

At dahil nga buffet, kumuha talaga ako ng kaya akong busugin. Nabitin ako sa kinain naming hipon na inoperahan pa sa anim kada piraso. Hibachi chef naman ang nag-serve kaya inisip ko na lang na bayad na 'yon sa showmanship at skills niyang paramihin ang isang piraso ng hipon kahit sobrang liit n'on.

Kumuha ako ng iba't ibang klase ng seafood: may hipon, may baby lobster, may tahong, may scallops, may clams. May nagsi-serve ng rice kaya kumuha ako ng isang cup at kumuha ng maraming nori. Kumuha rin ako ng dalawang bowl ng vegetable salad, dalawang cup ng spicy seafood soup, at tatlong klase ng dessert.

Para naman may silbi si Sabrina, siya na ang pinakuha ko ng drinks namin, at mukhang pinili na talaga niya ang iinumin this time kasi hindi naman niya ininom ang mga inorder niya kanina. Vanilla honey yata 'tong kinuha niya, amoy summer kasi.

Walang ibang available na upuan na good for two kaya doon kami naupo sa couch na kasya sa pang-apat na tao. Ayaw ni Sab na kaharap ako kaya doon siya sa gilid, katabi ng metal railings na humahati sa aisle patawid sa counter area.

"The shrimp earlier tasted good naman, di ba?" nakangusong sabi niya, nanonood sa aking magbalat ng hipon gamit ang naka-plastic gloves na mga kamay.

"Oo nga, masarap na. Pero hindi nga kasi nakakabusog. Kulit talaga, e."

Yung hipon na kababalat ko pa lang, isasawsaw ko sana sa vinegar dipping nang magturo agad si Sab.

"I want the cajun one."

Bored ang tingin ko nang balingan siya. "Bakit hindi ikaw ang magbalat ng iyo, ha?"

"It's so dirty kaya! And my nails, o! Look!" Ipinakita niya ang mga kuko niyang pagkahaba-haba na maraming kumikinang na bato-bato sa ibabaw ng nail polish. Hindi pa iisa ang design! Yung isa, red; yung isa, gold; yung isa, black!

"Ano bang kuko 'yan, Sab?" reklamo ko. "Alam mo, si Jae, yung kuko n'on, sobrang neat saka maikling-maikli. Hindi ganyan."

"Who's Jay?"

Shet.

"O, kumain ka." Sinubuan ko na lang siya para hindi na magtanong.

Hindi ko tuloy sigurado kung dapat na ba akong mailang o ano kasi ang ganda ng pagkakaayos ng buhok ni Sabrina. Yung malalaki ang kulot para magmukhang makapal ang buhok niyang pinaghalo ang dark brown at yellow highlights. Tapos naka-tank top lang siyang puti at fitted na pants na puti rin tapos may suot na pulang office suit na maraming gold chains saka kung ano-anong gintong nakatahi.

Hindi nga raw siya kukuha ng plato para hindi siya ma-tempt kumain nang sobra. Nagpapasubo naman.

"Kuya said pala na you're dating someone," kuwento niya. "Is this your GFF?"

"Ang daldal naman ng kuya mo. Pero oo. Pero hindi nga kasi ako nanliligaw." Pagsubo ko ng scallops, nangalabit na naman siya para subuan ko rin.

"So, you want Kuya to date that girl na like ka?"

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon