Chapter 98: Model

1K 105 65
                                    


"Sorry, mga pogi, pero aarborin ko si Jaesie, ha?"

Eto na nga ang kaso. Umeeksena si Melanie sa paglakad namin ng dokumento para kay Jaesie.

"Alam kong G na G 'tong si Ganda sa pagtatayo ng business niya, pero thank you sa pagtulong, babawiin ko siya sa inyo,' paliwanag ni Melanie sa amin.

Pumunta siya sa office kasi balak na sana naming pasimulan ang legal papers. Kung tutuusin, maliban sa logo, slight seminary sa branding, at paglalakad ng property na pagtatayuan, wala pa talaga kaming nasisimulang iba.

"Hindi naman sa sinusulot ko si Jae sa inyo. Thankful ako na may nagkusa," dagdag ni Mel sa amin. "Pero kasi, kaya nga ayoko siyang dalhin sa naglo-loan kasi magdadagdag lang siya ng liabilities. May interes ang loan. Nakalagay naman sa executive summary kung magkano ang overall capital and expenses na target namin."

"Kaya n'yo ba yung fifteen million all in all?" tanong ni Leo.

"Gusto mo triplehin ko pa," mayabang na sagot ni Mel.

Babarahin ko na sana kasi napakayabang, kaso nauna nang magsalita si Jaesie.

"Mel, para lang hindi rin ano . . ."

"Ano?" sarcastic na tanong ni Mel. "Girl, baka hindi sila aware, nasa middle class ka. Ang isang milyon, hindi mo 'yan basta-basta dinadampot." Dinuro na kami ni Mel habang nakaharap kay Jaesie. "'Yang mga 'yan, mangatok lang 'yan ng pinto ng kabarkada nila, may milyones na 'yang mga 'yan. Ikaw, pagpapawisan mo pa."

"Hindi naman namin binubudol, a." Ang angas na ng tono ni Leo, nagagalit na yata kay Melanie.

"E, siya naman ang kausap ko, hindi kayo," mataray na sagot ni Melanie kaya natatawa ako. "Kaya nga ako ang magpopondo sa kapital, para kahit hindi niya mabayaran ng ganitong buwan, walang tutubong interes. Naiintindihan n'yo ba, ha?"

"'Yon nga, Mel, gets naman namin 'yon," mahinahong paliwanag ko. "Kaya nga tumutulong kami."

"Yung property, babayaran pa rin naman ni Jaesie, di ba?" tanong ni Mel, tumango naman ako. "Babayaran namin ang broker, paki-bill lahat ng service na ginawa ninyo."

"Mel," awat ni Jaesie.

"Para nga mabayaran agad natin. Hindi tayo puwedeng magdagdag nang magdagdag ng ilalagay sa journal na gastos. Wala pa tayong naitatayo, ang dami na agad nating utang. Hindi puwede 'yon. Wala pa man, lubog na agad tayo."

May point si Melanie kaya hindi ko rin magawang mainis sa ginagawa niya.

Kung ako man siya, pareho lang kami ng gagawin. Kasi kung ako ang may pera tapos ang isang barkada ko, nagbabalak umutang sa loan, pauutangin ko na lang siya, pero dapat sigurado akong may patutunguhan ang inuutang sa akin.

Wala pang pinipirmahan sa amin si Jaesie. Yung sa logo, kayang bayaran 'yon kahit ngayon pagkatapos gawan ng billing. Ni wala pa ngang soft copy n'on si Jaesie kaya kung tutuusin, wala pa talagang transaction na matino.

"Babayaran na lang namin ang ibang abala ni Jae, magkano ba?" tanong ni Mel.

"Mel, huy. Nakakahiya na." Napapanguso na lang si Jaesie kasi halatang kung may weakness man siya, malamang na financial related 'yon. Basta usapang pera, ang bilis niyang tumiklop.

"Isang 12x9 na Double Dutch. Na maraming mallows saka nuts," biglang sabi ni Leo kaya napaatras ako sa couch. At seryoso siya!

"Seryoso ba?" paninigurado ko.

"Kung may available na mas malaking size, bakit hindi?"

Seryoso nga si Gago.

Humarap agad ako kay Melanie. "Ako yung Cheesy bites, two dozen."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon