Chapter 102: Lighter Side

1K 118 29
                                    

"Sabi na, sis. Malakas talaga kutob ko sa friend mo, e."

"Gaga!" Itinulak ko agad ang sentido ni Jaesie pagkatapos ng sinabi niya.

Siyempre, siya na naman ang kausap ko. Nasa China pa rin ang aking favorite GFF kaya walang magagawa si Jaesie ngayon kundi humalili bilang part-time GFF ko.

Hindi naman 'to date. Kung makikipag-date lang din naman ako, hindi ko siya aayain sa tiyangge. Bibili nga raw siya ng damit pambahay. Bayad niya, take note.

Wala naman akong sinasabing ililibre ko siya. Ang lakas talaga ng imahinasyon nito.

"Hoy, 'te. May mas mura dito," aya ko.

Tumambay kami sa bilihan ng blouse na tig-wampipti lang.

"Ano'ng sabi ng mommy niya?" tanong ni Jae.

"Si Tita na raw bahala sa panganay niya." Nakikuha rin ako ng mga naka-hanger doon na blouse at isinukat sa katawan ni Jaesie. "Hahanapan na raw siya ng aasawahin."

"May signs ba na bakla siya?"

"Actually, wala. Dapat ba, meron?"

"Kinda?" di-siguradong sagot niya. "Medyo soft ba si Early Bird?"

"Depende sa perspective and aspect. Like, kung mag-aalaga sa 'yo, yes. Soft siya and caring. Para siyang all-around manager. Saka organized din siya,. Strict nang kaunti pero mararamdaman mo naman kapag inaalagaan ka niya," paliwanag ko. "Pero yung soft spoken? Trust me, Jaesie, you won't like him. Siya yung nakasagutan mo noong intro mo sa barkada during engagement mo kay Pat."

"Oh!" gulat niyang sagot pagpaling sa akin. "Yung mayabang!"

"Yes! Mismo!" Naituro ko pa siya.

Bigla siyang sumimangot. "Parang hindi naman bakla 'yon."

"What if?"

Napanguso si Jaesie pakanan at napaisip. "Hmm. I don't think he's gay. Antipatiko siya, but I doubt that he's gay. Bisexual siguro."

Ako naman ang napaisip doon.

Sa bagay. Hindi naman din cross-dresser si Rico. Hindi naman siya vocal na may gusto siyang guy. Mas lalong hindi siya vocal na may gusto siyang girl.

"Pero, sis—"

"Sis ka nang sis sa 'kin. Kapatid ba kita?" reklamo ko.

"Ikaw nga, 'te ka nang 'te, pinansin ko ba? Hmp!" Umamba siya ng sampal sa 'kin kaya napasalag agad ako.

"Eto na nga, Kapwa Jaesie. Parang ano talaga, e." Tinakluban ko agad siya ng damit sa ulo para makaiwas ako.

Ang sama ng tingin niya sa 'kin nang mamili ulit siya ng mga blouse.

"O, ano nga yung pero mo," pag-ulit ko sa topic.

"Bakit mo nga kasi naisip na crush ka niya?"

"Jae, nagalit siya noong sinabi kong nagde-date tayo."

Sumimangot agad siya sa 'kin, yung lukot na lukot ang mukha. "Nagde-date tayo? Since when?"

"Sinabi ko lang kasi nagtanong siya! Eto, parang hindi marunong magkuwento, e. Alangan namang sabihin ko sa kanya, inaaya kita sa tsismisan. Hindi naman kita kumare."

"Tapos nagalit siya?"

"Oo! E, date lang naman 'yon."

"Bakit siya magagalit? Sino ba siya?"

Pilit ang tawa ko nang duruin ang mukha niya. "Peborit line mo talaga 'yang pangunguwestiyon sa tao kung sino sila, 'no?" sarcastic na sabi ko.

"Hindi nga kasi, Clark. Bakit siya magagalit? For what reason?"

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon