Chapter 41: Assessment

1.1K 116 90
                                    

This chapter is dedicated to zane_quil na first comment last chapter. Salamat po sa pagtambay sa ABS! Enjoy reading!


♥♥♥



Hindi ako araw-araw nabubuwisit, at sobrang dalang kong mainis.

Kung mga gaya nina Tygah si Gethsemane, wala akong problema. Magsagutan kami maghapon, pakialam ko? Pero supervisor kasi siya sa company ni Tita Tess, at alam kong mali ang ginawa ko-pero kung tatanungin man ako kung uulitin ko pa ba ang ginawa ko, sasagot agad ako ng oo at malamang na mas malala ang gagawin ko.

Nananahimik akong kumakain, manggagago ka, tapos manghihingi ka sa 'kin ng respeto? Ulol ka ba?

Si Tita Tess nga, bata pa lang ako, sinasagot-sagot ko na tapos aasa silang matatakot ako sa kanila?

Clark Mendoza 'to, uy.

Pagkatapos ng night class ko, dumeretso agad ako kay Mother Shin, nagdala pa ako ng dalawang bote ng Emperador.

Hindi naging maganda ang araw ko, at ayokong matulog na hindi rin maganda ang gabi ko.

"Kaya pala wala ka kahapon," sabi niya.

Ang usapan, mag-iinuman kami ni Mother Shin. Kaso sinabihan na niya akong may business meeting siya bukas ng umaga kaya auto-pass sa tagay. Doon na niya ako dinala sa kuwarto niya kasi walang libreng unit sa compound nila para sa mga bisita-at hindi rin naman ako bisita ng Red Lotus.

"Nagpapakapormal ako, Mother. Kasi bagong environment 'yon e," katwiran ko sabay inom sa shot glass.

Napangiwi ako nang gumapang ang matalim na guhit mula lalamunan hanggang dibdib. 'Tang inang Empi 'to, lasang balisong amputa.

"Hindi ko naman sinabing bigyan ako ng special treatment, Mother. Ang gusto ko lang, itrato nila 'kong tao. Hindi yung kung tingnan nila 'ko, para akong tinubuan ng isa pang mata sa mukha."

"Maybe they're just insecure about your connection with the Dardennes. Hindi mo rin sila masisisi kasi gaya nga ng sabi mo, first time pala nilang magkaroon ng intern."

Nagtaas pa ako ng kamay at chinop-chop ang hangin. "Ang point ko, Mother, alam mo nang intern, mag-set ka ng good example bilang senior. Hindi 'yang porke intern, gagaguhin mo na dahil lang mas advanced ang knowledge mo sa field. Napakasimple n'on, Mother! Basic human decency na lang sa workplace! Tao kang pumasok doon tapos tatratuhin kang hayop. Putang ina ba sila?"

"Lasing ka na."

"Hindi pa 'ko lasing pero deserved kong maglasing, Mother. Umaga pa lang, masama na ang loob ko," kuwento ko sa kanya, at nangingilid na ang luha ko. "Yung baby ko, Mother, ang laki na niya. Nakita ko sa FB kagabi . . ." Nagsalin pa ako ng isang tagay sa baso saka ko tinungga. "Gusto kong mag-sorry kasi iniwan ko siya noon. Kaso feeling ko, kulang . . . hindi enough yung sorry lang . . ."

Nagsunod-sunod ang inom ko kahit namamawis na ang batok ko sa init.

"Ako nag-alaga d'on, Mother," dagdag ko, kahit parang gusto ko nang matulog at ayoko nang magsalita. "'Pag papasok siya sa school, ihahatid namin siya ng kuya niya. Kaso ang dami kasing ginagawa ng kuya niya kaya ako na lang ang nagsusundo sa kanya para iuwi . . ."

Sinisipon na ako sa init ng pakiramdam ko.

"Tapos bibili kami ng ice cream kina Kagawad . . . favorite niya yung popsicle na green apple. Tapos pag-uwi, maglalaro kaming dalawa ng kahit anong laro . . ." Nagpunas ako ng noo saka ng matang parehong namamasa na. "Ako nagpapaligo d'on minsan. Ako lagi nagsusuklay. Ako nag-iipit. Tapos ako namimili ng isusuot niya kapag ayaw niya ng pink na dress . . ."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon