Chapter 26: Faux

1K 115 64
                                    

This chapter is dedicated to KatelyneBautista na ating first comment last chapter. Ayan, enjoy reading!


♥♥♥




Ang dami kong iniisip tapos dumagdag pa itong bagong problema ni Patrick.

Walang kotse na puwedeng ipahiram si Calvin. Banned daw.

Akala ko, nantitrip lang 'tong gagong 'to pero nag-text ako kay Jherry kung puwede bang gamitin ang kotse pero sinabi niyang banned si Calvin—at hindi 'yon dahil barkada niya kami. Lalong tumalim ang tingin ko sa screen ng phone pagkabasa ko sa reply ni Jherry.

— p're, ban yan si D kasi binabangga nyan si Mother. Kaya nga nawalan ng grupo yan e. Maghanap na lang kayo ng ibang sasakyan. Ipapavoid ni Mother ang Lambo pag nakarating sa kanyang gamit nyo ang kotse ni D sa karera.

— bat sinabi ni D, si Ryker ang nagsumbong?

— tao ni Mother yun. Natural kakanta yun. Di naman kayo pinipigilan kumarera basta ba di involved si D.

Hindi ko alam kung gaano kalaki ang galit ni Mother Shin at ni Calvin sa isa't isa, pero unti-unting nagdidikit ang mga bagay-bagay tungkol kay Calvin at sa koneksiyon niya sa mga taga-Coastal.

Napagbigyan ako ni Mother Shin sa hiling kong laban. Ipinagpapasalamat ko 'yon. Pero habang tumatagal, bumibigat sa akin ang katotohanang may sisingilin sa akin dahil sa pabor na 'yon.

Gusto ko siyang makita para lang itanong kung lahat ba . . . lahat ng ginawa niya—o ginawa naming dalawa—ginawa niya 'yon kasi wala siyang ibang agenda. Bibigyan ko siya ng benefit of the doubt. Baka sabihin niya, unfair ako at naniwala agad ako kay Calvin.

Nire-recall ko lahat. Lahat-lahat ng pinag-usapan namin . . . lahat.

Sa lahat ng 'yon, wala kaming napag-usapan na masyadong malalim o personal o klase ng pag-uusap na nagpakilala sa kanya bilang Mother Shin. At doon sa sinabi niyang nagpapasalamat siyang walang nagsalita tungkol sa kanya, ano'ng ibig sabihin n'on?

Ang dami kong tanong. At ayokong ganito na ang dami kong tanong kasi nangangati akong malaman ang sagot.

Wala kaming kotse. Ang alam ng barkada, banned ang kotse ni Calvin dahil pinagkakaisahan kami.

Pero base sa takbo ng mga pangyayari, hindi ida-drop ni Calvin sa barkada ang tungkol kay Mother Shin at sa nangyayaring pananabotahe sa kanya bilang member namin, at ayoko ring i-drop 'yon sa kanila. Kapag nagtanong ang isa sa kanila kung sino si Mother Shin, lalo kaming mapapahamak.

Habang tumatagal, lalong nagsi-sink in sa akin ang warning ni Jherry noong unang gabi kong nakilala si Mother Shin.

Para akong may natapakang landmine pero dumikit sa sapatos ko kaya dala ko kada tapak.

Sabi ni Rico, gagawan niya ng paraan ang kotse. Hihiram daw siya kay Uncle Bobby.

Ayokong lumapit kay Uncle Bobby sa ganitong pagkakataon na nasa limit na ako ng pasensiya ko. May mga nagagawa akong hindi ko nagugustuhan kapag ganitong umiikli ang pisi ko.

Wala na kaming magagawa, kailangan naming iasa kay Rico ang lahat. Siya ang nasa kalmadong estado pa ngayon. Ako, hindi ko kayang humawak na ganitong ang dami kong nakikitang hindi ko naman gustong makita.

Malaki ang event ngayon. Hapon pa lang, nasa Coastal na kami ni Calvin. Ang ibang barkada, naghahanda sa boarding house maliban kay Rico.

Alas-singko y medya, may araw pa at maliwanag pa ang lahat, nakahilera na ang mga kotse. Angat na angat ang dilaw na Lamborghini ni Patrick na namumukod-tanging malinis na kotse sa lahat ng may stickers.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon