Chapter 59: Death Penalty

1.1K 111 33
                                    

Wala munang dedication itong chapter kasi inaantok na ako, hindi ako makatingin sa previous chapter ng comments huhu Pagod ako whole day, sorry. Paggising ko na ayusin mga typo error ko.

Enjoy reading na lang po muna!


♥♥♥


Busy kaming lahat, pero hindi talaga kami masyadong organized sa buhay kaya nga ang kalat ng mga schedule namin. Ang may matinong kalendaryo lang, si Rico—na hindi na kataka-taka.

Sina Calvin at Will ang may pinaka-flexible na schedule.

Si Calvin kasi, mukhang busy-busy-han ang taong 'to, pero legit din naman na kahit hindi siya magtrabaho, mabubuhay siya ng yaman niya. Plano na niya 'yon pagkatapos graduate—one year na pahinga saka siya babanat sa corporate. Yung one year na 'yon, akala ko, palamunin lang talaga siya sa kanila, pero mula pa noong nag-18 siya, hindi na siya sinusustentuhan ng pamilya niya. Kung kailangan niya ng pera, magtrabaho raw siya. Ang siste nga, mautak kasi talaga si Calvin. Alam niya kung saan huhugot ng pera na hindi siya lugi at hindi siya mapapagod. E halos karamihan ng pera niya, komisyon lang sa malalaking pusta. Yung iba, nakuha niya sa mga sugar mommy at girlfriendssssss niya. Kaunting kagat lang sa leeg at himas sa hita, paniguradong may lilibuhin na siya.

Bakit ka nga naman magpapakahirap sa 8-5 minimum wage kung may madali namang paraan?

Si William naman, kasing flexible ng katawan niya ang schedule niya. Hindi rin siya working ngayon pero may ipon pa siya na sapat para kahit hindi siya magtrabaho nang buong anim na buwan, may panggastos siya. Nauubos lang ang oras niya sa pagtangay-tangay sa kanya ng ibang mga potential client niya sa itatayo niyang gym. Parang nagdyi-gym hopping sila para makakuha ng mga idea sa negosyo niyang paparating. At sa ngayon, kung meron man siyang pinagkakaabalahan, mas lamang ang pagsasayaw. Meron siyang nakuhang isang grupo ng mga mommy na naghahanap ng coach sa zumba. Nakuha agad siya. Ayaw niyang magpabayad doon kasi masaya na siyang nakakatulong, pero binabayaran siya kaya kahit wala siyang trabaho na regular, may kita.

Sabi ko sa sarili ko, dapat matapos ko agad ang mga tinatrabaho ko bago matapos ang taon kasi malapit nang manganak si Kyline. Hindi ako makakakilos kung ang dami kong ginagawa.

Nasa biyahe ako papuntang site nina Tito Ric para sana mag-surprise inspection nang tawagan ako ni Dadi.

"Anak, makakapunta ka ba sa UN Ave. ngayon?"

"Bakit po? Urgent po ba?"

"Yes, urgent. Nasa bahay ka ba?"

"Pupunta sana ako sa Valenzuela, Dadi. Pero daan muna ako sa UN saglit."

Sobrang rare manghingi ng favor ni Dadi sa akin na hindi medical. Dati kasi, ako ang nurse niya. Ngayon, may hospital duties pa rin naman siya pero sobrang limitado na lang. Since hindi na siya resident, tinatawagan na lang siya kapag kailangan na kailangan na talaga ng critical care surgeon sa private hospital kung saan siya resident dati.

Ang opisina ni Dadi, nasa UN Avenue. Kaya kung pupunta ako ng Valenzuela, susuot lang ako sa Maynila kaysa mag-EDSA pa.

Malapit siya sa main office ng NBI at DOJ. Mula Taft, madaraan talaga kapag papuntang UN Ave. at parang kinakabahan na ako kasi hindi ako sa commission pinapunta. Office niya dati sa Manila Doctors Hospital ang sinabi niyang puntahan ko.

Wala naman siyang sinabing may surgery siya ngayon, at pagdating ko roon, wala nga talaga siyang surgery. Pinaharap lang niya ako sa laptop niya at may inutos.

"Anak, ano yung sinasabi ni Ninong Bert mo na puwede raw hindi ma-track itong laptop?"

"Paanong track, Dadi?" nagtatakang tanong ko.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon