Chapter 55: First Time

1.2K 109 56
                                    

Super haba nitong original chapter pero hindi ito ang full chap nito. See the whole chaps for more info.

Anyway, this chapter is dedicated to Sasithemoon na isa sa tambay sa comment section last chapter. Special mention din po si Ko-Fi user NaRz na nag-iiwan doon ng comment. Salamat po sa pagbabasa kay Clark, enjoy reading!



♥♥♥


Alam ng buong barkada kung gaano ako ka-busy dahil nga sa lending company, pero hindi silang lahat, alam na hindi lang lending company ang hawak ko.

Sinabi naman ni Calvin na tatawagan niya si Rico kaya nga alas-nuwebe pa lang, may chat na itong isa kasi kapag tumawag si Leo, hindi ko nga raw masasagot.


Early Bird
Calvin called. May work ka raw until midnight na urgent?

Dr. Quack Quack
Yeah. Unexpected nga, nagulat ako.

Early Bird
I see. If Leo's gonna panic again,
what should I do then?

Dr. Quack Quack
Mananakit lang talaga tyan
saka balakang nyan ni Ky.
Same pa rin ng gagawin,
di naman natin maaalis pain ng buntis nya.

Early Bird
I'll call Will na lang din ba?

Dr. Quack Quack
Oo. Baka may suggestion din si Will, try mo na rin.

Early Bird
Alright. I'll do that.
Good luck sa work.
Anyway, just wanna share this with you.
Might wanna see it.

Early Bird sent a video.


Akala ko kung ano na namang kalokohan kasi may babaeng naka-two piece. Pag-play ko, para bang huminto ang mundo para lang panoorin siya sa screen.

"Hi, Kuya! I miss you! I'll see you soon sa Manila!"

Pinindot ko ang pause button at nasakto ang paghinto sa mukha ni Sabrina na nakangiti sa camera.

Pinindot ko ulit ang play button at inulit ang video.

"Hi, Kuya! I miss you! I'll see you soon sa Manila!"

Para akong tanga na nakatitig lang sa screen at paulit-ulit na pinipindot ang pause and play button.

"Hi, Kuya! I miss you! I'll see you soon sa Manila!"

"Hi, Sab . . ." mahinang pagkausap ko sa screen habang nakatitig sa magandang mukha niya. "I miss you."

Hindi ko alam kung malulungkot ako o matutuwa.

Babalik na ba siya sa Pilipinas?

Kailan kaya?


♥♥♥




Last year pa ako huling nagkaroon ng booking sa Red Lotus kaya naninibago ako na babalik ulit ako sa ganitong gawain ngayong graduate na 'ko at maraming ginagawa.

Although, tinanggap ko na rin this time, kasi . . . 21 na 'ko. Ang busy ko, wala akong pahinga. Wala rin akong time para man-chicks. Sinamantala ko na lang 'to na ngayong gabi, at least sure na makakatulog ako sa kama at hindi sa back seat ng kotse habang naiipit sa traffic sa EDSA. May pahinga na ako, paid pa ang pahinga ko.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon