Chapter 33: Gigolo

1K 106 53
                                    

Ayan, nasa Kyline era na pala tayo hahaha This chapter is dedicated to Aycel13 na isa sa ating comment section tambay hahaha hello din sa ating previous Wattpader na first comment last update na si Ate Iza, PenVelopPer28. Enjoy reading!


♥♥♥


"Hi, Mother! Anong latest chika natin diyan?"

Third year college, tambakan ng mga major subject na nakakangarag pag-aralan, at iba na ang mine-major ko.

Second year pa lang ako, talagang hinihimay ko na ang mga third-year subjects kasi nasa third year ang lahat ng kailangan kong malaman na crucial sa software engineering. Good news, been there. So yung supposed-to-be struggle ko, hindi ganoon kabigat kasi exposed na ako sa mga dapat pag-aralan.

Siguro isa 'yon sa naging habit ko kaya naging madali rin sa akin ang nursing, academically, kasi pinag-aralan ko na in an enjoyable way compared sa pinag-aralan ko pa lang out of academic pressure.

Iba kasi talaga ang retention mo sa knowledge kapag "gusto" mo siyang pag-aralan out of curiosity kaysa sa "kailangan" mo siyang pag-aralan kasi wala kang choice.

Napaka-basic ng lessons kung memorization lang ang pagbabasehan. May sequence ang coding. Pag-aaralan mo ang different language kasi iba-iba rin sila ng function. Mahirap, oo. Kasi ang dami niyang kailangang ayusin. Ultimo magkamali ka lang ng semicolon, mali na siya lahat, at ang challenge doon, hahanapin mo yung mali na para kang naghahanap ng karayom sa dayami.

Pero kung walang grades, madali lang pag-aralan—kung pag-aaralan nga bang talaga.

Sa ngayon, nabubuhay ako sa mga tsismis sa paligid-ligid. Binubuhay ako ng tsismis sa paligid-ligid ha-ha!

Hindi naman intentional, nataon lang na may pera doon. Nakikipag-date ako every day. Pero karamihan sa mga date na 'yon, may sariling motives ang mga nakaka-date ko.

At nalaman 'yon ni Mother Shin.

"Wala sa usapan ang ginagawa mo, di ba?" bungad na bungad niya pagkakita namin sa tea house na malapit sa second date ko.

"Wala nga sa usapan. Pero hindi ako ang nagbibigay ng presyo sa other services ko, Mother Shin," depensa ko. "Flat 2k, solve na 'ko r'on. Patungan n'yo ng 400 para sa processing fee, no problem. Pero yung pabor na hinihingi ng mga client ko, labas ang Red Lotus doon."

"Kapag may nangyari sa 'yong masama dahil sa ginagawa mo, tingin mo ba, kaya ka pa naming tulungan?" hamon niya.

Nagtaas na ako ng mukha at sumandal sa upuan ko. Ang lalim ng paghinga ko nang matipid siyang ngitian.

"Mother, seryoso, nagpapasalamat ako sa opportunities na ibinigay at ibinibigay mo sa 'kin until now." Inilapat ko ang palad ko sa dibdib habang nakatitig sa mga mata niya. "Malaking bahagi ng puso ko ang naka-reserve sa 'yo kasi wala ako rito ngayon kung hindi dahil sa lahat ng effort mo sa pag-aalaga sa 'kin bilang under mo—"

"Huwag mong ilayo ang usapan," mabigat niyang putol sa akin kaya natigilan ako. Seryoso lang ang tingin niya kaya hindi ko alam kung paano sisingitan 'to ng paliwanag.

"I just want to save them from their miseries," depensa ko sa lahat ng tinulungan ko. "Deserved ng mga babaeng 'yon magkaroon ng peaceful na buhay without those guys na niloloko sila."

"May hero complex ka ba?" sarcastic niyang tanong sa 'kin. "Tingin mo ba, lahat ng tao rito, kailangan ng salvation mo?"

"Masamang magligtas ng ibang tao sa makakasakit sa kanila?"

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon