Clark Mendoza

1.8K 98 41
                                    


"Siguro naman, alam mo na kung bakit tayo nandito."

Ang talim ng tingin ko kay Jian Yu habang nakikiramdam sa paligid. Napansin ko na ito kay Mother Shin pa lang na hindi sila nagsasama ng mga bodyguard kapag private talk.

Malawak ang kuwartong pinagdalhan sa 'kin matapos niya akong ipatawag. Sarado ang mga bintana, nakabagsak ang mga kurtina. Amoy insenso pero hindi gaya sa insensong gamit nina Kuya Wing noon, mas amoy ko ngayon ang tapang nitong ipinalit nila. Pero kompara noong si Mother Shin pa ang gumagamit nitong blangkong kuwarto, di-hamak na mas maliwanag ito ngayon sa dami ng bukas na lampara.

May responsabilidad na naiwan ang Red Lotus na konektado ako. Hawak namin ni Ky ang supply ng alak dito, at ilang importanteng transaksiyon na kami lang ang nakakaalam ni Mother Shin tungkol sa importation. Hindi ko alam kung alam na 'yon ni Jian.

"Nagpapadala ka ng letter sa bahay ng mama namin," sabi niya. "Alam mo bang bawal ang ginagawa mo?"

Kamukhang-kamukha ni Mother Shin si Jian. Mas prominente lang ang panga nito at maraming kanto ang mukha dahil lalaki. Mas mabigat din ang boses kompara sa boses ko. Magkasintaas lang din naman kami kaya hindi madaling matakot.

Gaya ni Mother Shin, Mandarin collar din ang shirt niya, pero simpleng asul na short sleeves lang 'yon.

"Shin is not allowed to see anyone any time," kalmado niyang paliwanag.

Ang dami kong gustong sabihin pero pinipigilan ako ng utak ko kapag naiisip kong kapag may sinabi akong mali, si Mother ang gagantihan nila roon sa kung nasaan siya ngayon—doon sa lugar na wala siyang kakampi.

"Wala akong nakikitang mali sa letters na ipinadadala ko," matalim ang tinging paliwanag ko.

"We don't care about those letters."

Mabilis na kumuyom ang kamao ko dahil sa sinabi niya at nagtaas ako ng mukha. "I care about those letters, and you'll give that to Mother Shin."

Pinagtawanan lang ako ni Jian, hindi ako umimik.

"Mendoza . . ." nakangising pagtawag niya.

"You'll give those letters to Mother Shin o pababagsakin ko ang parte ng Red Lotus na ibinigay nila sa 'yo."

Nawala ang ngisi niya sa sinabi ko. "Are you threatening me?" mahinahon niyang tanong.

"You'll give those letters to Mother Shin," pag-ulit ko, mas tumalim at nagbabanta na ang tingin sa kanya. "Or you'll see your only kingdom fall."

"Tingin mo, natatakot ako sa 'yo?" maangas na niyang balik sa 'kin.

"Ibibigay mo ang mga letter ko—"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi nang bigla siyang tumayo at may hinugot na kung ano sa likod. Nahagip ng mata ko ang kinuha niya at kusa nang kumilos ang kaliwang kamay ko para tabigin ang bagay na 'yon hanggang lumipad nang bahagya sa hangin. Mabilis ko 'yong kinuha bago siya at saka ko siya hinigit sa kuwelyo at isinubsob sa mesa.

Itinutok ko sa gilid ng leeg niya, lapat sa balat, ang talim ng kutsilyong nakuha ko saka ako muling nagsalita nang malapit sa tainga niya.

"Uulitin ko, kung hindi mo narinig, Jian Yu," mahinahong babala ko. "Ibibigay mo ang mga letter ko kay Mother Shin at sisiguraduhin mong makakarating 'yon sa kanya. Alam ko kung paano kukuha ng sagot sa loob ng bahay na pinagtaguan n'yo sa kanya kaya maniniguro ako."

"You can't—" Lalo ko pa siyang sinubsub sa mesa at idiniin ang kutsilyo hanggang gumapang ang dugo roon sa talim.

"Kapag hindi ka sumunod sa usapan, malalaman mo kung ano ang kaya kong gawin sa negosyo n'yo, nagkakaintindihan ba tayo?"


To be continued . . .


*****



Waaaahhhh!!!

Salamat po nang maraming-marami sa mga nagtiyagang magbasa ng 100 plus chapters nitong POV ni Clark hahahaha

Yes po, malilipat na siya sa ibang story pero 'yon pa rin ang cover niya. Ito ang binago ko. Sab era na roon exclusively. Yey! Pahanap na lang po sa reading list ko sa account ang Clark Mendoza story. Same cover sa dati pa rin.

Sa mga hindi pa nararating ng balita, ipa-publish na po ang The Love Investment ngayong March.

Sa mga nagtatanong kung ano ang difference ng TLI sa Wattpad at sa book. Marami po. Ang daming nasa book na wala rito sa WP. Mas marami ring wala sa book na mababasa lang dito sa Wattpad. So, mae-enjoy ninyo both books. Inaayos ko 'yon ngayon kaya baka mapansin ninyong bigla-biglang nag-a-update.

Sana makabili kayo ng kopya. Pambuhay lang sa sarili ko hahahaha

Ayern lang hahaha ang sabog ng author's note, sorry.

Ayern lang hahaha ang sabog ng author's note, sorry

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon