Chapter 52: Future Plans

1.1K 116 72
                                    

At dahil rest mode ako, tiba-tiba talaga tayo sa update ngayon. This chapter is dedicated to zwane1216 na isa sa mga tambay sa ating comment section last chapter. Salamat po sa pagbabasa, enjoy reading!


♥♥♥


Kung may isang parte ang barkada na hindi na namin dapat asahang magkaka-love life hanggang magunaw ang Earth, si Leopold na 'yon.

Sa dami ng babaeng . . . hindi lang reject e, violence! Bumabanat kami sa mga chick, 'tang ina, pangmalakasang pickup line lang, talo-talo na. Siya yung kapag bumabanat sa babae, pisikal! Babanatan talaga niya! Kung puwede lang magkapasâ yung babae, papasaan talaga niya, tantanan lang siya!

Hindi na kami umasang may papatos sa kanya at may papatusin siya kasi napakabrutal talaga. Wala siyang pinipili, ke babae, ke lalaki. Ang nirerespeto niya, mabibilang mo lang sa kamay.

Kaya nga bumaligtad ang mundo namin nang mabuntis niya si Kyline.

Dito naman ako tawang-tawa kasi . . . out of billion chances na makabuntis ka ng babae sa Earth, gaano kalaki ang chance na mabuntis mo ang babaeng secret crush mo tapos explicitly crush ka rin?

Aminin man o hindi ni Leo, attached siya kay Kyline. Ayaw lang tanggapin kasi ayaw ngang maging gaya ng erpats niya. Although, naintindihan namin ng barkada 'yon, pero hindi kasi siya puwedeng mag-rely sa feelings niyang tinatago niya lalo ngayon na may anak na nga silang paparating.

Nakausap na niya ang parents ni Kyline. Medyo okay ang setup para sa kanila sa ngayon kasi nga, inako ni Leo ang pagiging ama sa baby. Kaya nga nagdoble trabaho kami ni Calvin kasi ongoing ang kaso ni Leo. Hindi pa tapos si Elton kasi nakabinbin pa ang kaso para sa kanila nina Duke. Pilit nilang hinahatak si Leo para madamay kasi nga napawalang-sala kaming lima. Ayaw nilang pumayag na makakatakas kaming anim tapos sila lang ang makukulong.

"Ano'ng sabi ni Mother dito?" tanong ko kay Calvin nang makita naming dalawa ang updated report sa kaso nina Elton. Nakakuha kasi kami ng scanned copy ng mga statement at nai-drop na ang tungkol kina Hades, Zeus, at Apollo ng Coastal.

"Sa totoo lang, nagulat ako sa kaso nina Elton," sagot agad ni Calvin.

Lumipat ang tingin ko kay Calvin na nakaupo sa kaharap kong sofa. "Paanong nagulat?"

Nagbanta kasi ako kay Mother Shin na gawan niya ng paraan si Elton kundi magkakasukatan kaming dalawa ng tapang.

"Mula nang hawakan ni Shin ang mga tao ni Madame Min, kapag may nahuhuling tao niya, hinihingi niya agad sa opisina," dugtong ni Calvin.

"Hinihingi?" di-makapaniwalang tanong ko. "Paanong hinihingi?"

Prenteng nag-de-kuwatro si Calvin at tumanaw sa labas ng student hub na tinatambayan namin. "Dude, madali lang hingin ang mga nahuhuli galing Coastal. Itinatawag lang 'yan sa opisina. May tatawagang taga-loob, ang sasabihin, baka puwedeng ibalato na si ganito. Kinabukasan, laya na 'yan. Yung mga record, deretso shredder na. Parang walang nangyari. Ang kaso, iba ngayon." Itinuro ni Calvin ang labas ng glass wall habang nakatingin sa akin. "Handler si Elton. Paniguradong tinawagan na n'on si Shin pagkahuli sa kanila, hindi puwedeng hindi. At dapat nga, laya na sila noong February pa lang. Pero patapos na ang May, nasa custody pa rin sila ng mga pulis."

"Tingin mo, may count ba ang warning ko kay Mother Shin na gawan niya ng paraan sina Elton?"

Nagkibit-balikat agad si Calvin. "Hindi ako sigurado kung meron, pero sigurado akong unang beses na hindi siya nangialam sa kaso ng tao niya. At mas delikado ang ginawa niya ngayon."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon