Chapter 35: Wild Trip

1.1K 107 71
                                    

Homayghad, hindi pa ako tapos na-publish agad. Eniwey, bahala na. This chapter is dedicated to HahapiME na first comment last chapter. Ayan hahaha enjoy reading!

♥♥♥

Yung ang ganda-ganda ng reputasyon ng mga magulang mo, hindi ka naman pinalaking barumbado, wala ka namang naranasang domestic abuse mula sa kanila, tapos lumaki kang parang kulang sa pagkalinga.

Bumagsak ako sa prostitution, but not in a sense na dahil hikaos na kami sa buhay. Ang savings na bigay ng parents ko, lampas isang milyon na. Every month, hinuhulugan nila 'yon kasi kailangan kong magbayad sa school and other shits na dapat gastusan. So, hindi ko basta-basta maida-drop na nag-prosti ako out of financial incapacity.

Ang dami kong pera, pero hindi ko kino-consider ang sarili kong mayaman. Twenty years old, meron na akong limang bank account, pinakamababang amount sa limang 'yon, 900k. Spare account ko 'to na kasama ko sina Tita Tess at Rico na nag-apply.

Isa, para sa payments ko galing Red Lotus na literal na milyones ang laman.

Isa, ang savings account ko galing kina Mami na galing sa mabubuting kamay.

Isa, ang savings bank ko para ipunan ng mga payment sa akin bilang confidential informant ng mga client ko sa Red Lotus.

Isa, para ipunan ng mga pera mula sa barkada, since nag-aambag ako ng pamusta nila kung minsan sa casino—na bumabalik din naman sa akin with interest.

Nanonood ako ng porn, pero hindi sa purpose nito kaya ito ginagawa. And I came to this point na ang sex work ay legitimate "work" and people pay for it. May mga nagbabayad for it, may mga willing to work for it out of other agenda kahit pa may pera sila gaya ko.

Kapag nilibot mo ang society from top of the chain to the bottom, may kino-comprise siyang truth na hindi tinatanggap ng ibang tao pero nangyayari, at may mga taong tinatanggap 'yon kahit maliit na fraction lang sila ng community.

I'm a third year college comsci student na working sa isang exclusive website na nagke-cater ng lustful needs ng iba't ibang client. Basically, prostitution. Technically, I'm selling my time and my body, and it's business. And I have no right to judge people working inside this field kasi work is work. Ang kaso, hindi ko pa siya puwedeng iwan sa ngayon kahit gusto kong mag-work naman ng iba.

May issue ahead of us na sa iisang field ko lang din puwedeng maayos. Ky was involved in prostitution na gaya ko, pero kumpara sa kaso ko, mas malala ang handling sa kanya.

Sa handling ni Mother Shin, safe kaming mga alaga niya, kasi hindi kami treated as "prosti" na "pokpok" sa paningin ng iba, at hanggang doon lang kami—yung babayaran kami na para bang binili na ang mga buhay namin. Nasa site kami, we're basically "prostitutes" pero ayaw ni Mother na hanggang "prostitutes' lang kami. Tinatawid niya kami sa legal agencies na nagbabayad ng tax, na may formal trainings sa modeling, na may huge projects at may big breaks kasi ang mission niya is to develop and expand the business more. Kasi nga mas marami siyang sakop na field, mas powerful siya. Again, hindi siya small time business person.

Which surprised me kasi pareho sila ng vision ni Tita Tess. Hindi ko alam kung dahil ba pareho silang mga mukhang pera o dahil ganoon talaga umiikot ang business field, I dunno. Comsci ang mine-major ko kaya malay ko.

Ang kaso, sa mga downgraded handler gaya ni Juday, ang purpose lang ng mga prosti niya ay magbenta ng laman. Babayaran ang alaga niya para sa oras, gagawin ang pinagkasunduan without formal agreement tapos bahala na. At nandoon si Kyline under ng handling niya.

Nakaka-stress lang kasi ayoko sana ng comparison dahil ang layo ng treatment, kaso . . . ewan ko na. Nabubuwisit na lang ako sa nangyayari.

"Buti, nag-part two ka," sabi ni Juday habang tinitingnan na naman isa-isa ang mga perang papel na inabot ko.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon