Chapter 21: The Ghost

1.2K 123 121
                                    

This chapter is dedicated to chocolateandpastries na tambay talaga mula rito sa Wattpad hanggang sa FB group hahaha Enjoy reading!


♥♥♥ 


Ang tahimik dito sa loob ng compound ng Red Lotus, parang sa koi garden nina Patrick. Buti horror ang pinanonood namin, yung klase na hindi maingay at tahimik lang.

"Anak siya ng security guard," spoiler ko sa batang sumuot doon sa bahay ng mag-asawa. "No'ng bata ako, ganyan din ako, gala-gala sa kapitbahay. Madalas kasing wala buong araw ang Mami saka Dadi ko."

Nakaupo siya sa edge ng kama sa harapan ng TV. Gusto ko sana ng may sandalan kasi walang upuang may sandalan dito sa kuwarto. Puwede lang sumandal sa headboard ng kama kaso sobrang kapal ko na n'on kung magfi-feeling may-ari ako rito.

Wala akong choice, tabi lang kami sa dulo ng kama. Hindi ako makakuba ng upo kasi baka ma-damage ang spine ko kaya idinaan ko na lang sa pagtukod ng magkabilang palad sa higaan para gawing pangalso sa katawan kong naghahanap ng sandalan.

"Totoo bang may ganyan?" tanong ko sa kanya habang nakikita namin ang patay na babaeng nasa bath tub. Binababaran na 'yon ng mga halamang-gamot ng asawa niya. "Medically, imposible niyang mabuhay ang asawa niya. More of pine-preserve lang niya gamit ang herbal medicines. Parang mummification pero hindi mo siya ilalagay sa storage. Familiar ka sa The Calling na novel?"

Tahimik lang siyang umiling, tutok pa rin sa TV.

Nahiya na tuloy akong magsalita. Baka naiistorbo ko siya sa panonood niya.

Habang nanonood kami, doon ko nasabing hindi pala niya kamukha yung patay na asawang pine-preserve. Naalala ko lang siguro dahil sa haba ng buhok ni Mother Shin.

Pagtingin ko sa buhok niya, nate-tempt tuloy akong hawakan.

"May suklay ka?" tanong ko.

Tutok pa rin siya sa TV pero itinuro niya ang side table malapit sa bukas na pinto ng kuwarto, yung tanaw ang dagat na parte ng Manila Bay.

Kinuha ko roon ang suklay niyang gawa pa yata sa salamin—o acrylic. Mukhang resin na nilagyan ng mga gold dust saka maliliit na bulaklak para maging design.

Bumalik ako sa kama at sumampa sa bandang likuran niya.

"Puwede kitang suklayan?"

Saglit niya 'kong nilingon mula sa likuran, pero tiningnan lang ako sa dulo ng mata. Ibinalik niya ang tingin sa TV at marahang tumango.

Ayaw niyang magsalita. Baka galit pa rin kasi in-indian ko kahapon.

Sinuklayan ko na ang buhok niyang nakakalat ang dulo sa kama.

"Ang haba ng buhok mo," napapabilib na sabi ko. Pinadaan ko roon ang suklay at halos dumulas na lang ang paibaba kasi parang wala naman akong sinusuklay. Ganoon kalambot ang buhok niya?

Sumilip ako sa TV at naabutan ko pang sinusuklayan din ng lalaki ang buhok ng asawa niyang patay na.

"Alam mo, nami-miss ko nang magsuklay ng mahabang buhok," kuwento ko. "May baby ako dati. Siya yung sinusuklayan ko palagi kasi hindi 'yon marunong magsuklay nang sarili niya."

"May anak ka na?" biglang tanong niya, sa wakas nagsalita rin.

"Wala. Kapatid siya ng kabarkada ko. Bale parang ako ang nag-alaga mula noong kinder siya. Pero nasa Amerika na siya ngayon." Ipinagpatuloy ko lang ang pagsusuklay. "Ang lambot talaga ng buhok mo."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon