Chapter 51: New Life

1.1K 121 76
                                    

Ayan, another update for today kasi late ang update ko for tomorrow kasi Friday at super busy ko every Friday. This chapter is dedicated to Sbrna1992 na tambay ng comment section last chapter. Thank you po sa matiyagang pagbabasa, enjoy reading!

♥♥♥

Akala ko, sampung taon ang aabutin ko sa college kasi nakakadurog talaga ng utak ang programming. Pero hindi ko rin ine-expect na magugustuhan ko ang course midway. Pagkatapos nga ng defense ko, lalo pa ang panel na kinuha ng prof ko, talagang experts sa field, interested sila sa content ng thesis ko. Ilan lang kaming ga-graduate sa comsci na nakapasa, dose. Hindi na kami grinupo kaya individual presentation talaga.

Hindi ko first time mag-present at mag-defense ng thesis kasi noong high school, nagawa na rin naman namin 'to. Ang kaibahan lang siguro ngayon, nagde-defend ako ng butas ng corporate system.

Dalawa sa panel namin, nasa corporation. Ang mga tanong nila, hindi na butas sa thesis ko kundi butas na mismo sa system nila, at nagtunog consultation na ang pagtatanong sa akin samantalang ang ine-expect kong tanong, hahanapan nila ng butas ang ide-defense ko. Medyo nalugi ako nang slight doon, pero sulit naman kasi sa buong grading sheet ko mula first year college, unang beses makatikim ng card ko ng flat 1.

At himalang nasapawan lang ng isang subject ang lahat ng tres ko sa card.

Wala pang proper resolution para sa thesis ko kasi nga hindi pa existing ang strongest cybersecurity system na hackproof, pero possible kung mabibigyan ng funding.

Dinala ako ng result ng pag-aaral ko sa course na hindi ako familiar sa magandang posisyon, at hindi naging disappointing ang college life ko hanggang sumapit ang graduation.

"Mendoza, Clark D."

Nagmamartsa ako paakyat sa stage. May lungkot kasi gusto ko sanang kasama ang buong barkada, pero dahil nga sa nangyari sa amin, ang nakapunta lang ay si Calvin at si Rico.

Naalala ko pa kanina pagdating nilang dalawa.

"Dude!"

"Huy, gagsti!"

Hihingal-hingal silang dalawa nang lumapit sa amin. Nakapila kami nina Mami sa labas ng Bahay Alumni habang hinihintay na makapasok sa loob para sa start ng ceremony.

"Hi, Tita! Hi, Padi!" sabay pang bati nitong dalawa.

Si Calvin, naka-casual formal. Si Rico, graduation din nito ngayong araw pero dapat nasa PICC 'to e.

"Graduation mo, gago," mahinang sinabi ko sabay habol ng sipa kay Rico.

"Hahaha! Got my diploma, but it's not yet through," nakangising sagot ni Rico habang nagpupunas ng pawis.

"Wala siyang oath-taking!" natatawa pang dagdag ni Calvin.

"Gago," walang boses na sabi ko at hinabol ng suntok sa dibdib si Rico para pagalitan.

"Naiwan sina Mum sa PICC, but I said na after here, we can go straight sa party sa bahay."

"'Raulo ka, nasa QC tayo. Alam mo ba kung gaano kalayo ang PICC dito?" sabi ko pa.

"Dude, pila ka na. Papasok na yata kayo sa loob."

Ngiting-ngiti pa 'tong gagong Rico na 'to habang nakikipila nga sa amin. Doon pa siya pumuwesto sa likod ko at akbay-akbay ako e magkaiba kami ng kulay ng kuwelyo ng toga.

"Dude, smile!"

Nag-wacky lang ako nang picture-an kami ni Calvin gamit ang phone niya.

Pinalalakad na kami papasok at hindi talaga lumayas sa likod ko si Rico.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon