CHAPTER 58: Essentials

1.4K 126 82
                                    

Just wanna share this na huwag muna kayong mag-backread, gaiz hahaha wala pa namang pumupuna nito, pero aware ako sa mga plot hole ng Alabang Boys Series or wrong details something. The thing is, hindi ko siya kayang ayusin agad-agad kasi kailangan ko munang tapusin ang buong series para mag-match lahat ng details from ABS 1 to 6, and take note na hindi lang ito ABS 1 to 6 kasi tig-dalawang POV per installment. Technically, 12 stories ang dapat kong i-backread para lang sa mga detail na ito at hindi pa ako tapos.

Again, alam ko ang mga error at nakikita ko sila, pero hindi ko pa sila dapat ayusin kasi walang update kapag inuna ko ang edit. And I'm the type of a writer na tuloy-tuloy lang mag-type para buuin ang plot itself, and once na huminto ako sa gitna, hinto lahat at hindi ko alam kung kailan ako babalik. At ayokong huminto ngayon kasi kapag nag-stop ako, kahit magmakaawa kayo sa update, wala kayong mapipiga sa akin kasi nasira na ang momentum ko. At hindi naman siguro natin gusto na ang susunod kong update e sa 2024 na dahil sa mga misinfo sa story na dapat kong balikan every now and then.

Please bear with the error or incorrect details, huwag munang mag-backread. Kasi after Will and Rico's POV, buong Alabang Boys Series, mag-a-undergo ng editing process, lahat ng mababasa ninyo, possible na madagdagan at mabago rin based sa revision/rewriting. Useless din mag-backread kasi may paparating pang ibang version soon. Ayern lang.

Anyway, this chapter is dedicated to cooletzlil na isa sa tambay ng comment section last chapter. Thank you sa pagbisita kay Clark, enjoy reading!




♥♥♥


Kahit nakokonsiyensiya ako, pinilit kong kausapin si Rico. Kasi nga, nabasa ko na ang nasa to-do list niya sa birthday niya sa October, at pa-August na. Excited siya, pero ang hirap kapag against ka kahit for good naman.

Kung noon, madalas ko siyang maabutang nagbabasa; ngayon, naaabutan ko na lang siyang nakahiga at tutok sa phone.

"Seryoso ka talaga kay Cheska?" tanong ko kay Rico nang maabutan ko siya sa kuwarto niya.

"Dude, if you don't like her, okay lang naman. You don't have to sound like you're really against us."

"Hindi kasi," depensa ko at nagpaikot-ikot sa inupuan kong swivel chair sa study table niya. "Baka gusto mong sa private place na lang mag-propose. Para intimate, gan'on."

"Why can't I propose to her in public?" tanong pa niya pagtingin sa akin. "I want the whole world to know that she's important to me."

E hindi nga kasi kayo mutual ng feelings!

Ang sarap sigawan ng gagong 'to. Gusto kong maging honest kaso mawawalan talaga ako ng kaibigan sa gagawin ko.

"Ang tagal mo na siyang nililigawan, dude. Graduate na tayo, wala pa rin. Baka ayaw niya talaga sa 'yo."

"If she doesn't like me, puwede naman niyang sabihin agad. Pero okay lang daw kung ligawan ko siya, and Mum likes her too. You already know how hard it is to find someone na okay kay Mum."

"Ligaw lang? Kailan ka raw sasagutin?"

Ang lalim ng paghugot niya ng hininga at napatitig sa kisame. "Wala naman siyang sinasabi, but maybe soon. I'm working on it."

"Na-kiss mo na siya?"

"Sa cheeks?" awkward na sagot niya sa 'kin. "Yes."

"Sa lips? Yung torrid, gan'on."

Napangiwi siya na parang nakakadiri ang sinabi ko saka mabilis na umiling. "I don't think Cheska will like me kissing her like that. Parang ang manyakis kasi."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon