Chapter 50: Top of the Chain

1K 120 55
                                    

Kaninang madaling-araw dapat itong update. Mababa ang mood nitong chapter kasi may sakit ako so wala akong energy para taasan ang tension dito. Bawi ako bukas.

This chapter is dedicated to shy_crusher29 na fist comment last chapter at super sipag magbasa ng aking mga story since the dawn of times hahaha hi po! Enjoy reading!

♥♥♥



Sobrang limitado ng mga tanong sa 'kin na isa sa ikinatataka ko. May hinahanap akong mga tanong na gigisa dapat sa akin pero umalis na lang ang officer na kausap ko kanina at naiwan itong mamang naka-T-shirt na asul. Wala siyang ID o badge o kahit na ano. Ang hawak lang niya, phone at tutok doon. Nakaupo siya sa green na monobloc na medyo malayo nang kaunti sa akin. Nakasandal siya roon sa isang file cabinet na maraming patong sa ibabaw.

"Ser, pulis kayo?"

Nagtaas siya ng mukha at bagot na bagot na tumingin sa akin. "Bakit?"

"Bakit parang hindi naman ako in-interrogate?"

Natawa siya nang mahina saka ibinalik ang tingin sa phone na hawak. "Gusto mo bang i-interrogate ka?"

"Hindi naman po. Nagdududa lang ako kasi walang media noong ni-raid kami sa apartment ng barkada ko. Tapos pinasakay kami sa armored van saka pinababa sa back door nitong kampo. Wala ring nagsabing inaaresto kami at may karapatan kaming manahimik."

"May karapatan ka nang manahimik ngayon mismo."

Nanggagago ba 'to?

"Ser, walang sinabi kung ano ang kaso namin. Ang nakalagay lang sa mugshot, violation under Article 267 tapos walang description. E kidnapping and illegal detention 'yon. Wala naman kaming kini-kidnap."

"Bakit ba mas marami ka pang tanong kaysa d'on sa kasama ko kanina?"

"Kaya nga po ako nagtatanong kasi hindi nga siya nagtanong."

"Hindi pa kasi tapos ang mga tanong ng kasama ko dahil nga wala pa ang lab results n'yo. Mamayang gabi ka na bumanat nang bumanat diyan at kasama mo na ang abogado mo kapag kinausap ka ulit."

A, so may part two pa pala. Ay, de hala sege.

Hindi pa rin nagpapakita sina Mami at Dadi. May dumating lang babaeng naka-T-shirt na asul din (na mukhang uniform yata talaga nila) at binigyan ako ng aalmusalin.

Nasa styropore 'yon nakalagay. Pancit palabok na anemic at nakahalo na ang pinaka-sauce kaya mas dry pa sa desyerto ang itsura tapos dalawang puto na may maliit na slice ng kesos sa ibabaw. Tapos mineral water na 250 ml na kasya sa isang lagukan ko lang.

Hindi nakakabusog, pero wala naman akong choice.

Ang tagal ko sa loob. Ang bantay ko lang, yung mamang ayaw paistorbo. Ilang oras din ang inabot bago ako tinawag sa labas.

Pagpunta namin sa isang station na nasa hallway at maraming nakatambay roon na mga tagakampo rin, si Mami agad ang unang-una kong nakita. Nakasuot pa siya ng formal suit na gamit niya kapag nagtuturo. Nakapusod din ang buhok niya at naka-net para hindi bumagsak sa mukha.

"Mami."

Nilapitan niya agad ako habang nakataas ang mukha sa akin.

Umaasa akong magagalit siya kasi nakakahiya na abogado ka tapos mahuhuli ang anak mo ng mga pulis. Pero walang bakas sa mukha ni Mami na dismayado siya o galit o naiinis o nalulungkot para sa akin bilang anak niya.

Hindi naman ako nakaposas pero may bantay ako sa likod.

"Sorry po," sabi ko na lang.

"Kilala kita, anak, at kilala mo kami ng daddy mo. Hindi ka namin pinabayaan, hindi ka namin pababayaan, pero hindi ka rin namin kukunsintihin."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon