Chapter 62: Antagonistic

1.3K 109 66
                                    

I'll try to update again mamaya pagkatapos ko ayos ng mga schedule ko for 2023. So, expect na back to daily updates ulit ako until January 1.

This chapter is dedicated to charlinekez na isa sa tambay sa comment section last chapter. Salamat po sa pagbabasa and happy holidays po sa inyong lahat. Enjoy reading!


♥♥♥


Malapit na raw bumalik si Miss Brias. Para tuloy akong may investigation room sa kuwarto ko kasi ang weird ng setup nitong kaso namin.

Ang nakalagay sa recordings na nakuha ko sa laptop ni Dadi, nakatanggap ng tawag si Elton mula sa lalaking nagpakilalang Gibo.

"Brad, ire-ready na namin ang ticket mo pa-Switzerland. Ligtas ka r'on."

Walang definite source ang call, basta audio recording lang.

Ang date ng call ayon sa file name, last week of June pa. Napatingin tuloy ako sa relevance nitong call kasi unang-una pa sa recordings.

Napa-check tuloy ako ng calendar ko ngayong taon kung ano'ng meron sa date.

Sa araw na 'yon, wala. Pero naka-schedule five days ahead ang flight nina Miss Brias papuntang Switzerland.

Tumingin ulit ako sa cork board para sa info.

Yung date ng pag-alis ni Miss Brias, sobrang importante sa aming barkada kasi ibig sabihin, madadalaw na namin si Leopold nang hindi nag-aalala kung mahuhuli kami ng mama ni Ky.

Pareho silang pupunta ng Switzerland. Pero ang sumunod na recording ang nagpakunot ng noo ko.

"Gibo, may usapan na kami ng mga taga-Coastal. Lilinisin nila ang kaso ko o ilalaglag ko sila. Hindi ako aalis hangga't hindi nakaklaro 'tong kaso, naiintindihan mo?" sagot ni Elton.

"Pero pumayag na sina Duke."

"Wala akong pakialam sa mga gagong 'yon. Ang usapan, usapan. Sumunod sila."

Gets ko naman ang pagmamatigas ni Elton. Kahit din siguro ako, kung idadarag din ako roon, talagang ilalaban ko nang patayan ang sitwasyon.

Kaso ayun nga, patayan nga talaga ang sitwasyon.

Si Bien Chua raw ang mastermind ng kasong pilit kinakalkal ni Miss Brias.

Nag-research ako kay Bien Chua maliban sa pagiging may-ari niya ng malaking distillery sa Cavite. Maliban sa meron siyang tatlong isla na pagmamay-ari sa Puerto Princesa at sa middle Visayas, nasangkot din siya sa maanomalyang smuggling ng alak seventeen years ago at hindi pa rin naisasara ang kaso until now. Involved doon ang ilang opisyal ng Bureau of Customs at dalawang senador na patay na ang isa ngayon. Buhay pa naman si Bien Chua pero walang makapagsabi kung nasa Pinas ba siya o nasa China.

Ang tungkol sa kaso fifteen years ago, hindi pa rin malinaw kasi walang record. Kung walang record, either hindi na-report o binura ang record. At imposibleng wala kasi senior inspector si Miss Brias tapos walang record na nilooban kayo?

Nalipat kay Adrian Chua ang ownership ng distillery, pero vice president na lang siya ngayon. Iba pa ang CEO na nakaupo sa puwesto at humaharap sa board pagdating sa corporate.

Nag-file ng divorce sina Adrian Chua at Belinda Brias sa Hong Kong kung saan ikinasal. May garden wedding din sila rito sa Pilipinas pero noong nagpa-request ako ng CENOMAR para kay Adrian Chua, walang naka-record na asawa niya maliban kay Hellen Gau.

Ang naisip ko naman, baka kasi hindi credited ang kasal sa Hong Kong para ilagay sa certificates dito sa Pilipinas kahit pa may garden wedding.

Napapaisip tuloy ako.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon