Chapter 82: Uncrush

1.2K 141 131
                                    

Nawala yung list ko ng mga dedication. :-( Pa-inform na lang ako kung meron pang hahabol or waley na. Enjoy reading po sa lahat!


♥♥♥



"Clark, what happened?"

Hindi ko alam kung gaano katagal kong pinandidilatan si Sabrina habang pinandidilatan lang din niya ako sa kabilang couch.

Nasa magkahiwalay kaming upuan. Yung kanya, yung upuan niya kanina para sa debutante. Tapos yung upuan ko, para dapat kina Tita Tess na tatlong metro ang layo sa isa't isa.

Nahinto ang event, isa-isa nang pinauuwi ang mga bisita dahil sa nangyari.

"Clark," ulit na naman ni Tito Ric.

Ang bigat ng paghinga ko habang inaalam kung aamin ba sa nangyari.

"Ipis," sabi ko, titig na titig kay Sab habang humihinga nang malalim. "Hinagisan ko po ng ipis si Sabrina."

Pagsulyap ko kina Mami, nakita ko pa kung paano siya yumuko sabay sapo sa noo para magtakip ng mukha.

Walang nakapagsalita sa kanila matapos ang sinabi ko. Ibinalik ko ang tingin kay Sab na parang wala na rin yatang balak kumurap habang pinandidilatan ako.

Gusto ko sanang kagatin ang labi ko dahil sa inis at hiya para kina Mami, pero hindi ko magawa. Nasasagwaan talaga kasi ako dahil sa nangyari.

Hindi ito ang unang beses na hinalikan ako ni Sabrina. Hindi ko rin alam kung pangalawa ba 'to o pangatlo o pang-ilan na mula pa noong malaman ko ang ginagawa niya.

Naiinis ako sa loob-loob ko. Hindi dahil hinalikan niya ako kundi dahil nahalikan lang niya ako kasi ang akala niya, ibang lalaki ako.

Nagtitimpi lang ako kasi marami kaming kaharap. Kaharap niya ang parents niya, kaharap niya ang mga bisita. Kung wala lang 'tong mga 'to, pagagalitan ko talaga siya.

Bakit siya nakikipaghalikan doon sa backstage? Sino ang kasama niya kanina? Boyfriend ba niya 'yon? Alam ba 'to ng kuya niya? Kilala ba 'yon ni Tita Tess? Kaka-18 niya pa lang, kauuwi pa lang niya noong summer sa Pilipinas, may boyfriend na agad siya? Sino 'yon at bakit hindi ko kilala?

"Pasensiya ka na kay Clark, Tessa," sabi ni Mami, at napayuko na lang ako kasi alam kong disappointed sila sa 'kin.

"Hindi ako naniniwalang ipis lang 'yon," biglang sagot ni Tita kaya napaangat na naman ako ng mukha. "Kung may ipis dito, magrereklamo ako sa management. Hindi ba sila nag-i-inspect ng sanitation dito?"

"Grabe naman, Tita Tess!" reklamo agad.

"Ano'ng nangyari sa backstage?" pangangastigo ni Tita Tess sa 'kin habang nakataas ang kilay.

"Nagulat lang si Sab! Tita Tess, overthinker talaga, e!"

Nanliit ang mga mata niya sa 'kin at pamartsang nilapitan ako. Napaurong ako pasandal sa couch na inuupuan ko nang yumuko siya para lang ilapit ang mukha sa mukha ko.

Nanduduling akong tumingin sa kanya habang nandidilat na naman. Pati ihip ng hangin, nagbago at nag-amoy musky cinnamon kaysa sa sweet citrus ng buong area.

"Kailan ka ba matututong magsinungaling nang maayos, ha?" sermon sa akin ni Tita Tess at biglang pinasada ang hinlalaki sa labi ko na hindi ko inaasahan.

Pinagtaasan niya ng kilay ang daliri niyang may mantsa ng lipstick at ipinakita sa akin.

"Mag-usap tayo mamaya," mahinang utos niya, at para akong binuhusan ng semento sa puwesto ko at hindi na nakagalaw pa.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon