Chapter 25: Instinct

1K 107 34
                                    

Ayan, patawid pa lang pala tayo sa exciting na part hahaha this chapter is dedicated to JulianaDanica na solid ABS reader since maisipan kong gawin itong series hahaha active din sa FB group at Twitter 'yan. Ayern, enjoy reading!


♥♥♥



Alam mong hindi na joke ang reputasyon n'yo kapag binibigyan na kayo ng nickname ng mga hindi n'yo kilala.

The Gods.

May codename sina Rico at Leo. Si Calvin, matagal na siyang D. Ako, wala. Si Will, wala. Si Pat, wala.

Alam na halos ng mga audience sa Coastal kung gaano kalakas tumaya sina Rico at Leo kada gabi. Unang daan namin doon, malakas na beynte mil. Kadalasan, walang tumataya nang lalampas sa sampung libo kasi ang dahilan ng mga organizer, malaki ang tinutubo ng mga backer nila sa area. Kumbaga sa legal na paraan, malaki ang tax. Lugi sila. Twenty-five percent, sa owner ng lote. Kung 100k ang pot money, matic na sa owner ng lupa ang 25k nang walang kapawis-pawis.

Noong tinanong ko kung sino ang sumasakop doon sa racing area, hindi na ako nagulat nang mabanggit ang pangalan ni Mother Shin.

Buong area na 'yon na ie-excavate dapat, hawak ng Red Lotus. Ang permiso ng karera, hawak ni Mother Shin—at bawal siyang pag-usapan.

Bawal na bawal banggitin ang tungkol kay Mother Shin kapag tagalabas ang magtatanong. Kung alam man nila kung sino ang backer at promotor ng karera, wala silang dapat sabihin. Ang huling naglaglag kay Mother Shin bilang backer ng mga taga-Coastal, hindi pa rin nakikita until now.

Noong tinanong ko si Mami tungkol sa kidnapping cases na involved si Mother Shin, person of interest lang sila, pero walang umamin at walang witness na sila nga ang may kasalanan. Kaya walang maikaso kasi walang solid evidence, wala ring witness, walang gustong magbigay ng testimony. Pero si Tita Tess, parang siguradong-sigurado siya na malaki ang kinalaman ng mga Yu sa kidnapping incidents na 'yon.

Umiingay ang pangalan ng grupo namin. Nagiging apple of the eye na kami. Fifty thousand per night ang kayang ilapag nina Rico at Leo, at walang taga-Coastal ang kayang magsugal nang ganoon kalaki para lang sa karera. Kasi kilala na nila ang isa't isa e. Alam na nila ang palakad, kumukuha na lang sila ng mga mananaya.

Larong-laro nga nila ang mga laban tuwing gabi. Kumbaga hindi na siya hamunan. For the sake of entertainment na lang talaga para sa mga racer—malayo sa pakay ni Patrick nang makuha sa kanya ang Lambo niya.

Ang ingay sa cyberspace nina Hades at Zeus. Ang daming curious tungkol sa kanila. May mga napapamilyaran sa kanila pero para kasi sa mga estudyante, wala silang pakialam kung legal o ilegal ang pinupuntahan namin. Basta astig sila, 'yon na 'yon.

Sa aming magbabarkada, si Rico at si Leo ang member namin na kapag nilapitan mo at babae ka, kawawa ka. Alam na alam ni Rico kung paano pipitik ng ugat ng mga chick na ayaw niya. Si Leo, alam na alam niya kung paano literal na pipitik ng mukha ng makukulit kesyo babae man 'yan.

Okay pa sana kung si Will o si Patrick o kaya ako e. Open na open kami sa communication. Kumbaga walang masamang tinapay sa amin. Pero sa dinami-rami ba naman ang sisikat sa amin 'yon pang mga hindi matino kausap pagdating sa mga crush-crush na ganyan.

Nabalitaan nila na lumipat kami sa casino kaya hindi kami dumadalas sa Coastal. Hindi ko alam kung may kinalaman ba roon si Mother Shin pero pagronda ko kina Jherry, binalitaan niya ako na pino-prospect daw sa laban si Jackson. Inaayos na ang schedule.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon