Chapter 54: Binder

1K 110 53
                                    

May update ulit today kasi Sabado hahahaha weekend, wala munang bumubulabog sa akin ngayon. This chapter is dedicated to WeirdongNerd na isa sa tambay sa comment section last update. Isa rin sa mga active reader at OG Weirdo (tawag sa mga reader ko) mula pa noong unang panahon ko sa Wattpad. Enjoy reading!


♥♥♥




"Dude, legit ba yung 14m?" bulong ni Calvin habang naghihintay kami sa counter ng bangko kung saan kami magpapapalit ng tseke.

Kanina pa kasi sila may tinatawagan. 14 million naman kasi ang iwi-withdraw e mukhang uubusin yata namin ang perang nandito sa branch para ngayong araw.

"Gulat nga ako, ready na."

"E di ba, nangutang ka rin kay Tita Tess? Paano 'yon?"

"Hindi ko rin alam, pero nauna na kasi si Uncle Bobby e. 7 million nga lang ang hinihingi ko n'ong una, binigyan ako ng doble."

"Paano mo raw babayaran 'yan?"

"Gagawan ko ng virtual meeting space ang company nila, tapos aayusin ko ang database ng company mismo."

"Gagi, matrabaho 'yon."

"Maglilinis na nga ako ng calendar ko para sa mga schedule kasi ine-expect ko nang tatangayin ako ni Uncle Bobby sa bawat branch niyan para sa orientation kung paano ginagamit ang software kapag na-launch na for testing."

"Sa Sabado raw, pupunta tayo kina Ky."

"Oo, kami na nag-suggest ni Will n'on," sagot ko agad. "Alam mo naman si Ky. Si Leo, makaka-survive mag-isa 'yon pero si Kyline, mabu-burn out 'yon sa bahay lang. Wala na ngang dumadalaw r'on, hindi na siya niri-reach out ng mga sinasabi niyang barkada niya."

Napaayos agad kami ng upo ni Calvin nang isa-isa nang bitbitin ang string bag na kulay itim papuntang counter.

"Yung maleta," sabi ko agad.

Pinagtitinginan kami ng mga naghihintay rin sa counter kasi ang daming bag na inilabas. Naka-machine counter na, naka-manual counting pa. Isang teller sa machine, isang teller sa manual counting.

Kung hindi ako exposed sa pera during noong night track days namin na nag-iipon kami ng 6 million, malamang na maglalaway ako sa perang nasa harap ko ngayon. Pero ngayon ko lang naramdaman na ang liit ng 14 million. Isang abutan ko lang 'to sa ahente, tunaw agad 'to.

Ang tiyaga ng teller na nag-manual counting. Tig-iisang libo ang binilang niya. Naka-bundle ang 100 thousand na mula sa pagkakagoma, itatali niya ulit pagkatapos.

Kami ni Calvin, nagawa pa naming mag-usap habang hindi na pinapansin ang pagbilang ng teller kahit na binibilang nga 'yon para sa amin na kukuha ng pera. Gusto ko sanang mag-phone kaso bawal daw muna sabi ng guard.

"Nakakita na kayo ng puwesto para sa gym ni Will?" tanong ko kay Calvin.

"Tumitingin kami ni Will sa commercial complex sa Cubao. Patapos na kasi yung condo na itinatayo d'on, e wala pang gym sa area kaya kinakausap na namin ang manager kung magkano ang lease sa puwesto."

"Nakita na ni Early Bird 'yon?"

Tumango naman siya. "Oo. Siya ang unang sumama kay Will noong nag-canvassing sila. Ang options, doon sa Cubao o kaya doon sa papalitang space sa lower ground floor sa Glorietta."

"Wala ba sa Rockwell?"

"Wala pang available sa sukat na target ni Will. Ang liliit ng mga space na open doon, pang-shop lang talaga."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon