Chapter 36: Promise

1K 107 68
                                    


Nagkikita kami ni Kyline sa isang inn na malapit lang sa bahay nila sa Alabang.

Walang ibang nakakaalam n'on kundi kami lang dalawa.

Nagsabi ako sa barkada kung nasaan siya, kung ano ang ginagawa niya sa buhay ngayon, at sino-sino ang mga sinasamahan siya . . . pero hindi ako nagbanggit tungkol sa aming dalawa.

Unang dahilan, si Leo ang nakakita sa kanya. At galit si Leo sa nangyayari. Kahit sino naman siguro, magagalit kay Kyline dahil sa desisyon niya. Tapos ang dahilan pa niya, kasi wala siyang friends.

Kanya-kanya naman kami ng coping mechanism, at naiintindihan ko naman ang purpose ng love and belongingness needs sa Maslow's Hierarchy of Needs, pero wala naman sa needs ang magdroga ka.

Ayokong sisihin si Kyline sa naging desisyon niyang pumasok sa ganoong grupo kasi, gaya nga ng kino-consider ko . . .

Pangalawang dahilan, nakita siya ni Leo sa casino. At kapag tinanong kami kung paano namin nasabing nasa casino si Ky, babalik sa amin ang tanong: ano ang ginagawa n'yo sa casino?

Panibagong problema na naman. Kasi nga, nasa casino sina Rico para magsugal. Akala ko nga, hanggang sugal lang, tapos biglang eto na. May Kyline na. May Joven pa. Mabuti sana kung itong Joven na 'to, simpleng tambay lang. Most wanted 'to pero never nahuli. Paano? Ang mismong mga protektor, mga pulis din. Ang mga suki, pulis din. Magsusumbong ka sa pulis, alangan namang ilaglag nila 'yon?

Kaya hindi kami puwedeng sumbong lang nang sumbong kasi delikado na. Mahalata nga lang ng mga parak na target namin si Joven, target na rin kami. Para lang kaming naglagay ng bull's eye sa noo at naghihintay na barilin anumang oras.

Pangatlong dahilan, hindi ko alam kung bakit kailangan kong magbalita kay Leo na kasama ko si Kyline. Bigyan na lang siguro muna niya kami ng dahilan kung bakit niya kailangang ilayo si Kyline kay Joven. Kasi may point din ang pinaglalaban ni Rico.

Ano'ng pakialam namin sa love life ni Ky? Sino ba kami? Old friend mula freshmen year? Third year na kami, magpapalit na ng taon. Kaunti na lang, graduating na. Ano'ng rason namin para maging overprotective kami sa taong ni hindi nga namin makumusta for the past two years?

Safety? Nilalakad na namin ni Calvin. Bukas, pupunta si Dadi sa gun shop ng tita ni Ky, puwede akong sumimple. Kinausap na namin si Mother Shin. Gagawan na raw niya ng paraan kasi hindi naman daw pala namin sinabi na working pala sa casino nila si Ky bilang waitress. Maraming mahuhugot na koneksiyon para ilayo si Ky sa kanila.

But then again, for what it's worth? Why are we doing this in the first place?

Ang dami-daming umiikot sa ulo kong tanong at mga nangyayari, gusto ko lang mahanapan lahat ng sagot.

"CJ, ang lalim naman ng iniisip mo."

Napatingin ako kay Kyline na nakaupo sa tabi ko.

Patay ang ilaw sa unit kung nasaan kami. Nasa tapat kami ng TV, nakaupo sa kama pasandal sa headboard, at nanonood ng free movie sa cable channel . . . pero ang utak ko, nasa malayo na nakakarating.

"BB," tawag ko.

"Hmm?"

"Makakapag-promise ka ba sa 'king iiwasan mo na si Joven?"

Mula sa lens ng salaming suot ko, inaninag ko ang mukha niyang naiilawan lang ng liwanag galing sa TV.

Mabilis naman siyang tumango. "Promise."

"Very good," sabi ko na lang at hinagod ang buhok niya saka ko dinampian ng magaang halik sa tuktok. Inakbayan ko siya at pinasandal sa balikat ko saka ko hinagod-hagod ang braso niya.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon