Chapter 107: Suspicion

1K 98 75
                                    


Akala ko, nagjo-joke lang si Jaesie na sa kuwarto niya ako patutulugin, pero seryoso nga siya.

Pinaakyat niya ako sa second floor ng bahay nila. Naninibago ako sa interior kasi halos ilang taon din akong exposed sa modern designs, nakakapanibagong makapasok sa lumang bahay na kahoy ang loob. Yung sahig, kahoy. Yung dingding, kahoy. Hindi klase ng kahoy na tinagpi-tagpi. Ang solid nga kung tutuusin. Yung klase ng matitibay na tabla na kapag sinuntok mo, mababalian ka talaga.

Iniisip ko pa lang kung gaano kamahal ang materyales nitong bahay nila, sa ganitong klaseng tabla, parang mas gugustuhin ko pang mag-invest sa semento at graba kasi mas mura.

Dalawang kuwarto ang magkahiwalay sa second floor na hallway. Kay Jaesie ang kaliwa. May light green na kurtinang tabing doon bago ang kahoy na namang pinto na double door.

Medyo bumilib ako na naka-double door siya.

Pagpasok sa loob, para talaga akong nasa bahay ng tagaprobinsiya. Ang lawak sa loob. Kahoy ang sahig na makintab. Yung kama niya sa kanang gilid, kasya ang apat na tao. May lamp shade doon sa nightstand na mukhang eleganteng payong. Ang kisame niya, may design. Sa gitna, malaking wooden fan tapos apat na round lamps na mabubuksan kapag hinila ang switch. Ang bintana niya, sliding window na gawa sa capiz. Tapos mula roon, tanaw ko yung dilim ng lupain sa malayo. Doon, alam ko na talagang hindi siyudad ang nasa likod ng bahay niya.

Meron lang siyang malaking tokador sa gilid, dresser na maraming lamang kung ano-anong mga nasa organizer, tapos maliit na glass cabinet para sa iilang mga libro.

At kung ako ang tatanungin, hindi ko maramdaman si Jaesie rito sa loob. Walang bakas ng persona niyang nakilala itong kuwarto niya.

"Sure ka, kuwarto mo 'to?" tanong ko agad. Hinubad ko ang sapatos at medyas ko sa gilid ng pinto kasi nakakahiyang hanggang dito sa itaas, nakasapatos ako. Hindi ko na nga nahubad kanina sa ibaba.

"Yung ibang gamit ko, nasa condo na," sagot niya. "But everything naman, ito lang din. The rest, nasa ibaba lahat. Mga picture, displays, lahat."

Napatango-tango agad ako.

"Yung banyo, nandoon," pagturo niya sa pintong nasa dulo malapit sa malaking bintana.

Sinusundan ko ng tingin si Jaesie. Dumeretso siya sa tokador niya saka binuksan 'yon. Humugot siya roon ng isang asul na T-shirt na naka-hanger tapos naghatak sa ibaba ng boardshorts na panlalaki.

"You should have bought at least a boxer shorts for you," sabi niya nang ibigay sa akin ang pares ng damit na kinuha niya sa tokador.

Litong-lito ako nang kunin 'yon. "Sa ex mo ba 'to?" tanong ko sabay sukat sa katawan ng size. At sakto lang sa 'kin!

"Actually, sa 'kin 'yan."

Lalong nanliit ang mga mata ko nang sukatin siya ng tingin. "Really, Jae?"

"Ayoko ng shirt na pambabae. Sobrang fit nila sa katawan ko. And I'm what? Not an XL but not a medium," paliwanag niya.

"And this shorts?" Itinaas ko ang boardshorts na beach-themed, black-and-blue gradient pa ang design.

"It's longer. Hanggang tuhod ko siya. I prefer that over those girly shorts na super ikli and sana nag-panty na lang ako."

"Pero hindi ka tomboy."

Tiningnan ako ni Jaesie na parang nakakadiri ang sinabi ko. "Nagsi-stereotype ka ba?"

"Huy, hindi! Para lang din sure ako sa limit ko," depensa ko. "Yung mother-in-law . . . soon . . . ni Leo, lesbi 'yon. So, alam mo 'yon?" Ipinaling-paling ko ang ulo sa magkabilang gilid. "Baka lang may mai-drop akong sexist joke out of the blue tapos maka-offend ako. Malay natin."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon