Chapter 112: Mission Accomplished

1.3K 101 60
                                    



"May kilala ba kayong Aaron na nanliligaw kay Jaesie?"

Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa bar, 'yon ang bungad ko kina Calvin.

"Aaron na?"

"Guwapo, matangkad, mayaman, may stable job, saka galing sa magandang pamilya."

"Aaron Lastimosa?" tanong ni Will. "Yung architect?"

"Guwapo ba 'yon?" nagtatakang tanong ni Calvin.

"Dude, basta magaling magdala ng damit, guwapo sa girls. "

"Sa bagay."

"So, meron ngang Aaron?" tanong ko ulit sa kanila.

"Clark, if yung Aaron na architect 'yan, tigilan mo na si Jae," sabi agad ni Will.

"Paano si Rico?" tanong ko pa.

"He's in Cebu, di ba?"

"Alam mo, isa pa 'yan, e!" nanggagalaiti ko ng singhal habang nakapamaywang ang kaliwang kamay at dinuduro-duro ang hangin. "Nag-invest daw siya sa Purple Plate. Wala naman daw investment na pumasok, sabi ni Shiela! Ano'ng ginawa niya doon sa dapat pambayad niya sa 'tin?"

"Hindi ba niya hinulog sa Purple Plate yung pera?" tanong na ni Calvin.

"Wala nga raw bagong investor yung café," kuwento ko. "Sabi ni Leila, may lalaki raw na pumupunta sa Purple Plate. Last time, tumingin ng interior nila."

"Ah! Yung architect nga 'to. Tumingin ng interior, e," kumpiyansadong sabi ni Calvin at pumalakpak pa nang isa.

"Hindi nga raw nila puwedeng pangalanan," dagdag ko. "Kung gusto ko raw malaman, tanungin ko si Melanie. Kay Mel galing yung Aaron."

"So, alam ni Mel," sabi pa ni Calvin. "Bakit hindi niya sinasabi agad sa 'kin?"

"Baka ayaw rin ipaalam ni Jaesie, bro," sagot ni Will. "Tine-terrorize nga raw kasi ni Clark, right?"

"Gagi kasi 'to, e! Hmp! Pati si Jaesie, hindi mo pinatawad." Umambang mambabato ng kung ano si Calvin mula roon sa mesa kung saan sila tumatambay.

Si Rico dapat ang manliligaw kay Jaesie, bakit may kung sinong animal na namang umeeksena ngayon?

Hindi tuloy ako mapakali.

Hinanap ko pa 'tong profile ng Aaron Lastimosa. Hindi masyadong active sa social media, pero meron siyang architectural firm at doon nakalatag lahat ng naging projects niya. Pumunta ako sa business platform na meron siyang account at pinagdabugan ko lang ang laptop ko.

Napapailing ako. Parang hindi ko kayang hatakin 'to palayo kay Jaesie, ang daming achievement. Firm pala nito ang may hawak ng itinatayong malaking art gallery sa QC saka yung bagong commercial complex sa San Juan.

"Ang bagal mo kasi, Rico! 'Tang ina naman. Kapag wala kang maasawa hanggang kuwarenta ka, kasalanan mo 'yan."

Ilang araw na siya sa Cebu. Alam na ng buong barkada na may dine-date nang bago si Jaesie, siya na lang ang hindi pa alam ang nangyayari kaya tinawagan ko na.

"Hoy, gago."

"Clark?"

Nanlaki ang mga mata ko nang si Tita Tess ang sumagot!

"Tita, si Calvin kasi!" sumbong ko kahit mag-isa lang naman ako sa bahay ngayon. "Wait lang po, layo lang ako sa kanila." Tumayo pa ako at umalis sa kama para kunwari naglalakad.

Nanlamig ako bigla, pota! Bungad na bungad ko, mura agad sa anak niya.

"Ayan po, Tita, malayo na sa kanila," magalang na dugtong ko saka naupo sa sahig. "Si Ron po, Tita?"

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon