Chapter 45: The Beast

1.1K 134 70
                                    

Masyado akong nag-enjoy sa pagdagdag ng content, lumayo na tuloy yung karugtong nitong chapter. Eniweeeey, this chapter is dedicated to justjanssen na first comment last chapter hahaha hello po! Salamat sa pagbisita lagi sa story ni Clark! Enjoy reading!

♥♥♥


Professional ang mga taga-Afitek, at parang mortal sin na nga kung hindi. Ang hindi ko lang alam ay kung na-underestimate lang ba nila ako o talagang naisahan ko lang sila.

Pinatawag ako ni Tita Tess sa mansiyon. Reported na may system breach na nangyari dahil nga nakakuha ako ng recorded video ng usapan nina Gilbey at Sir Douglas tungkol sa brownies.

Sa haba ng convo nila, nag-transcribe na nga lang ako ng audio at hinanap ang part na nabanggit ang brownies kaya literal na hindi ko narinig lahat maliban doon.

"Paano mo na-access ang laptop ni Douglas?" bungad na bungad na tanong ni Tita pag-upo ko sa gameshow chair na kaharap niya.

"Tsk." Napabuntonghininga ako at napakamot ng ulo. "Tita, hindi ba dapat, wala nang nakakagulat diyan?"

"Bawal ang phone at laptop sa loob ng Afitek during working hours," mahigpit na paliwanag ni Tita.

"Tita, ang phone ko, nahawakan ko lang paglabas ng building," depensa ko. "Ang laptop ko, never kong dinala maliban sa school."

"Paano mo nga na-access ang laptop ni Douglas?"

Ang kulit naman nito ni Tita. "May computer kasi sa monitoring room, Tita. Nakikita roon lahat ng IP address ng mga active device sa Afitek, e di ginamit ko."

Biglang napapikit si Tita Tess habang tikom na tikom ang bibig. Kitang-kita talagang naiirita siya sa topic namin pero wala naman kasi akong kasalanan.

"Bakit mo hinack ang laptop ni Douglas?" mas mahigpit nang tanong ni Tita.

"Kasi, pinag-exam niya 'ko, Tita. Hanapin ko raw ang suspect na nagnanakaw ng brownies niya. E di hinanap ko."

"Exam ang tingin mo d'on?"

"Opo." Mabilis pa akong tumango.

"Sinabi niyang exam 'yon?"

Umiling naman ako. "Hindi po."

"Then why did you assume na exam 'yon?"

Napasimangot naman ako. "Hindi ba 'yon exam, Tita?"

Si Tita Tess naman ang napabuntonghininga at napahimas ng sentido. "Exam 'yon, but why and how did you think that looking for Gilbey is your examination?"

Seryoso ba si Tita sa tanong niya? "Exam 'yon, pero bakit ko naisip na exam ang ginawa ko?"

"Yes."

"Kasi ang obvious? Highly skilled kayong lahat tapos supervisor ka. Sobrang awkward na nanakawan ka ng employee mo ng kaya naman niyang bilhin any time," naiinis nang sagot ko. "Tita, ito, ha. Explain ko lang kasi ako ang nalilito sa mga tanong mo." Umurong ako paharap para itukod ang mga siko ko sa tuhod. "Computer science ang course ko. Cybersecurity ang professional elective ko ngayong sem. Paano ko na-hack ang laptop ni Sir D? Kasi available ang desktop sa monitoring room at hindi 'yon masyadong nababantayan ni Gilbey kasi nga tutok sa siya mga camera. And besides, ang daling i-access ng mga device sa Afitek kasi iisa lang sila ng access network."

Napapikit pa nang mas mariin si Tita at binuksan na ang laptop niya habang nakikinig. "Yung computer na ginamit mo—"

"Bawal po bang galawin ang desktop doon, Tita? Walang memo at hindi rin ako sinita kaya ginamit ko. Ang nakalagay lang sa handbook, puwedeng gamitin ang lahat ng Afitek device, equipment, and supplies basta hindi sisirain. Nasira ko ba ang computer sa monitoring room? Hindi. Nasira ko ba ang laptop ni Sir D? Hindi. Wala akong violation pagdating sa damage to Afitek properties."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon