Chapter 70: Abroad

1K 109 23
                                    

Happy New Year ulit sa lahat, for the nth time hahahaha

This chapter is dedicated to YenLonzagaMercado na isa sa tambay sa ating comment section last chapter. Thank you po sa pagtambay, enjoy reading!

♥♥♥

Hindi sa gusto kong tulungan si Cheska na makakuha ng hustisya, pero ang off kasi talaga ng mga nalaman ko. Tinanong ko na si Gina kasi dati naman siyang pulis, pero tinanong ko na rin si Mami kasi abogado naman. So, gusto kong kumonsulta sa mga eksperto tungkol dito.

At dahil isinabay ko na si Mami pag-uwi, nagkaroon ako ng chance tanungin siya tungkol sa problema namin ngayon.

"'Mi, meron akong question about rape case," tanong ko, tutok sa kalsada habang nagmamaneho.

"Rape case? Kay Leopold ba?"

"Hindi po. Naalala ko lang," katwiran ko na lang. "Halimbawa po, ganito ang case. May friend akong na-rape, bale girl siya. Puwede po ba akong mag-file ng case for her?"

"Siyempre, puwede. Pero dadaan 'yan sa procedure. "

"Oooh . . . pero what if four years ago pa nangyari 'yon? Hindi na po ba mahahabol 'yon?"

"Ha?" gulat na tanong ni Mami kaya napasulyap ako sa kanya. "Bakit hindi mahahabol?"

"Kasi po, four years na."

"Sinong friend 'to?"

Natawa ako nang mahina. "Sample nga lang, Mami," paalala ko ulit. "Kung friend ko 'to, the day after ng crime, ibinigay ko na ang kaso sa 'yo."

"Kung sa bagay rin naman."

Nagpatuloy ako. "Bale, kunwari four years na, kaya pang habulin?"

"Of course, kaya pa 'yon. Kahit sampung taon na, kaya pa 'yon. Puwede niyang dalhin agad 'yon sa station, kukuha ng statement, kakausapin ang offended party at ang akusado—"

"What if patay na po ang rapist? Kaya pa bang habulin?"

"Kaya pa, of course," mabilis na sagot ni Mami. "Dadaan 'yan sa proper procedure. Magkakaroon ng preliminary investigation. Puwedeng ma-dismiss ang kaso sa akusado dahil nga patay na, pero puwedeng ilakad ang kaso at mag-file ng civil action against sa legal representative ng akusado. Kaya, yes, puwede pa ring umandar ang kaso kahit patay na ang suspect, so long as hindi pa nagsisimula ang arraignment. Nagsimula na ba?"

Napapaisip akong umiling habang nakatitig sa kalsada. Hindi pa kasi nakakasuhan, e.

"Hindi pa po," wala sa sariling sagot ko. Pero sa parang nagbukasan ang lahat ng lightbulb sa utak ko dahil sa sinabi ni Mami.

So . . . puwede pa ring habulin . . . pero iba na ang pananagutin, kahit hindi ang suspect.

Shet.

Masama bang ngumiti kahit hindi naman nakakangiti ang pinag-uusapan namin ni Mami?

Para akong batang excited dahil may nalamang magandang balita. Kinabukasan, nagkita agad kami ni Calvin sa Alabang Museum. May date daw siya ngayon, ako pa tuloy ang nag-adjust. Naglalakad-lakad kami sa mahabang alley sa labas ng museum habang naghihintay sa date niya.

"Ang sabi ni Gina, hindi raw mahahabol ang suspect. Ang sabi naman ni Mami, madi-dismiss sa suspect pero mahahabol sa legal representatives."

"So, puwedeng habulin pero ibang tao ang mananagot," esplika niya.

"Yeah, something like that," sagot ko.

"Sino ang legal representatives?"

"Heirs yata or something? Or someone na legally representing sa taong 'yon. Hindi ko na-clarify kay Mami kung sino exactly, na-excite agad ako, e. Pero dadaan daw sa proper procedure 'to bago talaga mapunta roon sa sino ang mananagot. Ang kailangan na lang siguro, ilakad talaga ang kaso."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon