Chapter 96: The Cafe

1.1K 120 69
                                    

Mapapasubo talaga ako sa revision na naman ng TLI hahahaha huwag muna kayong mag-backread flez T__T

♥♥♥

Noong sinabi nilang amazing na babae si Jaesie, hindi ko binili 'yon. Ang dami kong kilalang amazing na babae, kung tutuusin. Si Mami, si Tita Tess, si Mommy Linds, si Mother Shin . . . ang dami.

Natatarayan din kasi talaga ako kay Jaesie. May vibe siya na naiirita ang balat ko, hindi ko alam kung bakit. Kumbaga sa magnet, pareho kami ng pull kaya hindi kami naa-attract.

Hindi ko lang ine-expect na makikita ko in an unexpected moment ang nakita nila doon sa part na amazing siyang babae. Doon ko rin napatunayan na sobrang opposite sila ni Patrick.

What Patrick wants, Patrick gets. Baby 'yon si Pat, e. Pero si Jaesie kasi, hindi.

If Jaesie wants something, she will work hard for it. At kitang-kita ko 'yon. Yung passion, yung eagerness, 'yon bang 'Gusto ko 'to at kailangan ko 'to, pero gusto kong mag-effort para makuha 'to, at ayoko ng bigay.'

Alam ko ang ganoong feeling. Every time na humihingi ako ng pabor, lalo yung mabibigat, ganoon lagi ang kondisyon ko. Gusto ko ang isang bagay, pero gusto kong makuha 'yon nang patas.

Nakatingin lang ako kay Jaesie, seryosong-seryoso talaga sa pagde-design ng café niya kahit 3D pa lang naman. at may taste siya kasi maayos ang pagpili niya sa kulay at klase ng furniture na ilalagay roon. Kahit sa placing ng mga gamit pati ng counter.

Hindi siya madaling ma-please ng gawa. Nakakadalawang oras na kami, hindi pa rin siya tapos. Pero so far, so good. Hindi siya okay sa okay lang. Gusto talaga niya ng pulido.

"Wala kang boyfriend ngayon?" tanong ko nang maburyong na sa panonood sa kanya.

"Nuh-uh," pag-iling niya, busy sa pag-aayos ng bintana ng café.

"After Pat, walang nanligaw?"

"Marami, siyempre!"

Ang yabang talaga.

"Pero busy kasi ako kaya pass muna," dugtong niya.

"Si Calvin, niligawan ka, di ba?"

"Si Calvin, nililigawan naman lahat ng makilala niyang babae, e."

Natawa ako nang mahina roon. Hindi siya mali.

"Naging kayo ba?" tanong ko.

Umiling naman siya. "Hindi, siyempre."

"Bakit? Ayaw mo sa kanya?"

"Hindi kasi ako Chinese. Okay lang kami sa date, gano'n. Pero kasi kailangan talaga, Chinese girl ang ending niya. Ayokong mag-risk ng future sa gano'n."

Mautak.

Totoo rin naman.

"Pero naabutan mong mambabae si Calvin?" tanong ko.

"Araw-araw!" proud pa niyang sagot sabay tawa. "Sobrang dami niyang side chicks, as in. Although, I accepted that fact naman na side chick lang din ako, but walang commitment. Good for few days lang talaga ako. We were just dating for the company of each other."

Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Alam palang side chick siya ni Calvin, tumuloy pa rin.

"Hindi ka nagselos sa mga babae niya?"

Nilingon niya ako mula sa likod, pero naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa 'kin. "I know he has someone special. Yung talagang love niya."

Nanlaki ang butas ng ilong ko at naglakad mula sa pagkakaupo para lang makalapit sa tabi niya. "Legit ba? Ano name? I-chika mo naman."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon