Chapter 91: Disappointed

1K 96 31
                                    


Hirap makatulog si Sabrina tuwing gabi. Nagte-take siya ng gamot para makatulog nang maayos. Kaya karamihan ng klase niya, afternoon at night class. Bilang ang morning class. Kaya nga nagtataka ako kasi alas-onse na ng umaga pero tulog pa rin. Hindi na ako naabutan paggising niya kasi kailangan ko ring balikan ang mga trabaho ko.

Bilib na bilib talaga ako sa tattoo ni Tita Tess. Wala kasi talaga sa itsura niya ang may ganoon. At saka bihira ko siyang makitang nakasuot ng damit na kita masyado ang likod. Sleeveless, oo. Yung mga puti niyang dress na round neck na parang inalisan lang talaga ng manggas. Pero yung mga manipis ang strap, laging may patong na coat o kaya cardigan. Isang beses ko pa lang siyang nakitang mag-suit na fit at pants. Ang ganda niya talaga n'on.

At dahil nainggit ako sa tattoo niya, nagkalkal talaga ako ng ilang memorable photo sa album ni Mami para ipa-tattoo ko.

Sa barkada, si Calvin lang ang alam kong may tattoo. Hindi ako interesado nito noon kasi wala rin akong trip ipalagay sa katawan, pero elibs talaga ako kay Tita Tess. May tattoo shop kaming pini-finance, doon ako dumeretso pagkakita ko sa mga gusto kong ipa-tattoo.

Ang explanation ni Tita sa tattoo niya kaya nasa balikat, parang kine-carry niya sa balikat, figuratively, ang meaning ng quote na 'yon. Sinabi naman niyang mabigat 'yong gawin kasi hindi nga naman lahat, tatanggap ng mga taong nagbigay sa kanila ng sama ng loob.

Pero ilang beses na rin namang sinabi sa akin, kahit ng mga tao niya, na forgiving talaga si Tita Tess kahit nabubuwisit siya sa mga tao. Hindi nga lang halata kasi taklesa siya madalas.

"Ito, dito sa likod ko," sabi ko sa tattoo artist. Picture 'yon ng cast ko noon pang nakabalik ako sa Manila tapos sulat 'yon ni Patrick, ang nakasulat "Champ".

Ipalalagay ko 'to sa ibabaw ng peklat ko kung saan ako nasaksak noon.

Sobrang symbolic ng scar na 'yon saka yung sulat ni Patrick kasi doon kami unang nagkakilalang dalawa. Kung hindi siguro kami nagkakilala, malamang na wala kami ngayon sa kung nasaan kami ngayong magbabarkada.

Ipinakita ko pa ang isang picture ng sulat ni Sabrina. "I love you" ang nakasulat doon, pero sa cast din. Isinulat niya 'yon noong akala niya, tulog ako kasi nakaratay pa rin ako sa ospital.

Noong time na 'yon, sinasabi ko sa sarili ko na kung mabubuhay man ako pagkatapos ng nangyari, gusto kong mabuhay para kay Sabrina.

Tapos meron akong isang isinulat kanina na gusto ko talagang ipa-tattoo na parang kay Tita Tess na may malalim na explanation.

Gumawa ako ng shorthand line na English siya originally, pero gusto kong i-keep ang ganda ng original language nang hindi siya madaling mai-interpret.

"Akong gugma kanimo way katapusan, Langga."

Naisip ko 'yon bago ako pumunta sa shop, na kung may ipalalagay ako sa katawan ko na gusto kong i-explain na masasabi kong malalim, 'yon na 'yon.

'Yon ang unang-unang pumasok sa utak ko.

"Hala!" di-makapaniwalang sabi ko paglapat sa balat ko ng gamit na pan-tattoo sa akin ng artist. Akala ko kasi talaga, dodrowingan lang!

Unti-unti akong napapangiwi kasi tinutusok pala siya! Tapos doon ko pa pinalagay sa may gumaling lang na sugat!

Putang ina!

"Gago, ang sakit!" natatawang sabi ko sa artist.

"Sa una lang 'yan, ser."

Buong session, nakanganga lang ako habang tinititiis ang daan ng karayom. Kahit na tapos na kami, pakiramdam ko, tinitistis pa rin ang balat ko ng tulis, e.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon