Chapter 67: Shattered

1K 105 52
                                    

Ayern, may mga kasunod pa 'tong update pero try kong ihabol tonight haha

This chapter is dedicated to simplyVev na first comment last chapter. Salamat po sa matiyagang pagbabasa, enjoy reading!


♥♥♥


Pinipilit ako ni Tita Tess na tumuloy sa Denmark. Nangontrata pa nga na siya na raw ang bahala sa nanny ni Baby Eugene, one month lang naman saka ligtas na ligtas daw 'yon, pero humindi ako.

Ang shady kasi talaga, pinipilit niya—na kahit sina Mami, nakikiusap na rin sa 'kin na pabayaan na raw sina Leo rito kasi marami naman daw mag-aalaga.

Sa sobrang persistent ni Tita Tess na pumunta ako ng Denmark para sa buong December, talagang sinabi ko sa sarili ko, may balak 'to si Tita.

Uuwi si Sabrina sa December dito sa Manila tapos gusto niya, sa Denmark ako?

Alam ko na 'to! Galing na 'ko rito!

Pinili ko si Leo para tulungan, at ilang beses kong sinabi 'yon kasi totoo 'yon. Hindi pa okay si Leo, wala siyang ibang maaasahan ngayon. Pinaaalis siya sa bahay ng mga Brias para lang makapagpahinga at nakikipagmatigasan siya.

Pero marunong namang makiramdam si Mommy Linds. Kapag nakikita niyang pagod na si Leo, pinagpapahinga niya at sinasabing doon muna sa ibang bahay. Sige, sabihing pinalalayas nga, pero hindi naman sinabing huwag na siyang babalik.

Kasi habang nandoon sa kanila si Leo, hindi mapapahinga itong isa. Kada kibot, kukumustahin si Ky. Kada galaw, tutok kay Eugene. Kahit walang babantayan, nagbabantay pa rin! Mukha na siyang zombie!

Kaya end of first week ng November, nilatagan ko sina Mommy Linds ng certificate saka mga proof and evaluation na nag-caregiving ako, may experience ako sa pag-aalaga ng baby, ng person with disability, saka ng mga senior citizen. At may ilang units akong na-take sa nursing, may background ako sa trauma surgery, lahat ng medical-related documents ko, ipinakita ko sa kanila.

"Wow . . ." Napapanganga si Gina habang isa-isang binubuklat ang clear book kung nasaan ang lahat ng mga document ko. "At programmer and website developer ka ngayon. Bangis!"

Lumipat ang tingin ko kay Mommy Linds na nakatingin nga sa clear book ko pero mukhang diskumpiyado pa.

"Hindi naman whole day, nandito ako, Mommy Linds. Every afternoon lang para kahit paano, makakatulog si Leo. Siguro mga 11 a.m. to 6 p.m. ako."

"Wala akong pasahod sa 'yo."

"Libre 'to, Mommy Linds! Kung gusto mo, ikaw pasahurin ko, payagan mo lang ako."

"'Tang ina ka talaga forever," natatawang sabi ni Gina sa 'kin.

Walang sinabi si Mommy Linds. Umalis lang at umakyat sa second floor, pero si Gina, nag-thumbs up lang kaya tingin ko, okay na ako rito.

Second week of November nang mapagplanuhan namin nina Rico na mamili ng gamit para kay Baby Eugene kasi hindi nakakalabas si Leo, hindi pa okay si Kyline, hindi libre si Manang, nakakabili sina Mommy Linds pero hindi rin sila madalas makabili kasi nga, hirap si Manang magbantay sa bahay, halinhinan sila ni Gina sa gunshop. Si Sir Adrian, nakauwi naman na pero may trabaho rin kasi at kailangan pa ring umuwi sa legal niyang asawa ngayon.

Nagpresinta na kami kasi maliban sa wala naman kaming ginagawa, tulong na namin sa kanila.

Si Patrick ang gusto kong kasama ngayon kasi ipinanganak lang yata talaga 'yon para magwaldas ng kayamanan ng mga Lauchengco, kaso nasa business summit, kasama si Uncle Bobby. May presentation daw sila ng bagong car parts at units na ilo-launch sa public by January.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon