Chapter 103: GFF #2

1.1K 118 56
                                    


"Dude, ang amazing ni Jaesie. Hindi ko ine-expect."

Sabay-sabay pa silang tumingin sa 'kin na parang may sinabi akong salitang hindi ko naman dapat sinasabi.

Kauuwi lang kasi ni Calvin galing China kaya nag-hang out na naman kami sa bahay niya sa Bicutan.

Nandoon kami sa living room, nasa single couch ako. Si Patrick, nakahiga sa mahabang sofa, ang ulo niya, naroon sa throw pillow na kandong ni Will.

Si Leo, nakasama sa amin kasi ang mag-ina niya, nandoon ngayon sa New Zealand, kasama sina Mommy Linds para sa bakasyon nang isang linggo. Siya ang nag-iisang nakaupo sa dining chair at ginagawang tungtungan ng paa ang arm rest ng sofa kung saan nakahiga si Patrick.

Si Calvin, naghatak ng gaming chair niya at doon nagiikot-ikot sa gilid nina Pat. Si Rico ang nasa ottoman at nagla-laptop sa center table.

"Ikaw ba yung sinasabi ni Mel na kasa-kasama ni Jae nitong mga nakaraan?" tanong ni Calvin, hindi naman siya tunog galit, pero curious talaga.

"Baka ako nga," sagot ko sabay inom ng beer. "Wala naman akong nakikitang ibang kasama niyang lalaki."

"Are you two dating?" tanong agad ni Patrick, umawat muna sa paglalaro niya sa phone.

"Date?" napapaisip kong tanong. "Parang. Medyo. Siguro."

"So you're not sure," biglang sabad ni Rico.

Ito si Rico, may question mark pa rin 'to sa 'kin hanggang ngayon, e. Hindi nga raw kasi siya bakla. Pero nagalit noong sinabi kong nakikipag-date ako.

Nakapa-clingy naman ng gagong 'to.

"Pero nililigawan mo si Jae," sabi ni Will.

"Hindi," mabilis kong sagot.

"Talaga ba?" Sabay-sabay pa silang tumingin sa 'kin, yung hindi kumbinsidong tingin.

"Hindi nga!" depensa ko. "Saka priority ni Jaesie yung business niya ngayon. Siyempre, ayoko munang makiepal."

"A, so may balak," nakangising sabi ni Calvin.

"Hindi ko rin sure," sabi ko.

"Ayan ka na naman," sita ni Rico sa 'kin. "Will you stop saying na hindi ka sure sa babae, dude?"

"Ba't ka ba nagagalit?" sermon ko.

"Whatever," sabi lang niya at pairap na binalikan ang laptop.

Ito si Rico, napakaseloso.

"Pero ano'ng score sa inyo ni Jaesie?" usisa na naman ni Will.

"Hmm." Napaisip naman ako. "We're not friends."

"Malamang," sabay pang sagot nina Calvin at Will.

"Wow, alam na alam, ha," sabi ko, natatawa pa.

"Hindi mo rin siya nililigawan," sabi ni Will.

"Hindi. Hindi ko rin naman balak ngayon or any time soon," paliwanag ko. "Pero sobrang na-appreciate ko si Jaesie. Alam mo yung ang ganda niya, tapos matangkad pa, tapos ang sexy pa."

"Yeah . . ." natatawang sagot nina Calvin at Will habang tumatango.

"Tapos goal-driven, malakas ang fighting spirit, ang bilis mag-adapt sa situation, ang sarap pang magtimpla ng kape!"

Nakangiti na si Leo nang ituro ako para sabihing may na-hit akong a-agree-han niya.

"Tapos business-minded pa! Di ba, Patrick?" sarcastic na parinig ko.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon