Chapter 87: Floating

1.1K 118 50
                                    

Sinusubukan kong kumalma. Para akong binuhusan ng balde-baldeng tubig na punong-puno ng yelo.

Nanlalambot ang tuhod ko, sinusubukan ko na lang maglakad nang marahan kasi para akong tutumba anumang oras.

"Kuya should have called Will," naiinis na parinig sa akin ni Sabrina nang mauna pa siya sa kotse kong nasa entrance ng condo nakaparada.

Binuksan niya agad ang passenger seat at hindi na ako nakahabol pa. Naibagsak na niya 'yon pasara bago pa ako makalapit.

"Whooh . . ." Pinalobo ko ang pisngi at marahang bumuga ng hininga.

Putang ina, sana hindi siya. Sana hindi si Sabrina si Aiko.

Nanlalata akong umikot papuntang driver's seat at nakatatlong bagsak pa ako ng pinto ng sasakyan na ayaw sumara kasi wala talaga akong lakas.

Lalo pa akong nanlamig sa air con. Pinagpapawisan din ako nang malamig.

"Whooh . . ." Napabuga na naman ako ng hininga saka nilingon si Sabrina sa gilid ko.

Yung pulang buhok, pareho talaga.

Yung jacket na ibinihis ko sa kanya, pareho talaga, e.

Pati yung pajama, parehong-pareho, e.

Hala, gagi naman . . .

"What?" singhal niya nang mapansing nakatitig ako.

"Sab . . ."

"Drive, please," sarcastic na utos niya sabay krus ng mga braso at mukmok sa upuan niya. "Gusto ko nang umuwi, maliligo pa 'ko."

Nakagat ko ang labi ko at nanginginig ang kamay na in-start ang kotse.

Hindi. Hindi puwede . . .

Putang ina, hindi talaga puwede.

Nakatitig lang ako nang deretso sa kalsada, ang utak ko, lumulutang.

"Mga friend mo talaga ang nag-book nito?"

"Yes."

"Okay lang ba 'yon sa 'yo na hindi mo kilala ang first time mo?"

"My friends said professional naman daw kayo. I can't afford any guys I know na without a notice, magte-take pala ng video without my knowledge. My mom would probably kill me once she learned about that. Kaya nga may mask tayo ngayon, just in case, something shitty happens."

"Good point. Smart move. Pero tingin mo, professional ako?"

"I think so. You always ask for my permission before doing anything. My guy friends barely do that. They just touch us whenever they want to and would tell us na joke lang naman 'yon and we shouldn't be sensitive about it."

"Hindi tama 'yon. Huwag kang papayag sa gano'n. Kapag hinawakan ka, batuhin mo ng upuan sa mukha."

"Hahaha! I know. I will some time. Anyway, is it possible to see you again, Clark?"

"Hmm . . . depende. Malay natin. Bihis ka na. Sorry, hindi kita puwedeng ihatid, napagalitan ako ng boss ko last time, e."

"It's okay. I'll call my brother na lang."

Putang ina.

"Clark . . ." ungot sa tabi ko.

"Clark . . ."

Napapikit ako nang maalala na naman ang ungol niya na 'yon kanina.

"Clark."

"Ha?" kinakabahang tanong ko pagsulyap kay Sabrina. Napapunas ako ng pawis sa noo na kanina pa namumuo.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon