Chapter 3

40 1 0
                                    

Ramona Point of View

Kinabukasan.....
Bougainvilia Ville
Ravens Mansion
7: 30 in the morning

Sa isang exclusibong subdivision natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa sofa ng isang malaking mansion habang ginigisa ako ng isang dyosa-HEP HEP! Ano na ba itong pinagsasasabi ko.

So ito na nga nandito ako ngayon sa bahay ni Roberto Lagasca at kasalukuyan akong kinakausap ni Amanda Ravens isang famous model ng Avon Philippines.

"I heard you're from the province?" Ravens asked with a hint of sophistication in her voice.

"Yes Mam taga probinsya po ako sa Nueva Ecija po." masiglang tugon ko kahit na sa totoo lang ay tamad na tamad akong magsalita pero kailangan kong baguhin iyon dahil hindi nila dapat malaman kung sino talaga ako.

"What a coincidence, did you know that my husband is also from Nueva Ecija." I gasped.

"Talaga po?! Parehas pala kami ni Sir ng probinsyang sinilangan, kayo po Mam taga saan po kayo?" bilang nagpapanggap din naman ako umakto na akong chismosa at nagtanong na ako dahil ganun yung mga napapanuod ko sa tv at nabasa ko din iyon sa magazine.

"Hindi halatang nagresearch ka ah?" my subconscious mind looked at me proudly. Pinipigilan ko ang mapangisi dahil baka makahalata itong babaeng nasa harap ko masyado pa naman makatitig.

"So Ramona mag-isa ka lang na magiging kasambahay dito so i hope you are up for the task." nagtaka naman ako sa sinabi nito kaya hindi ko na napigilan ang bibig ko na magtanong.

"Ang laki po ng bahay ninyo bakit po isa lang ang katulong?" curiosity kills the cat eka nga nila but i am no cat so my curiosity won't kill me.

"Don't ask too many questions, magsimula ka ng magtrabaho nasa kabinet ng kwarto mo ang mga uniform mo nakalagay na din kung pang-anong araw mo sila dapat suotin sige na magbihis ka na." mahabang litanya nito at tumayo na dala ang handbag.

Papatayo na din sana ako pero napahinto ako dahil bigla itong tumingin sa akin ng seryoso.
"Pagkayari mong magbihis ng uniform ay gisingin mo na ang Sir mo dahil may meeting siya ng alas diyes, the maid's quarter is in that direction and don't you dare seduce my husband!" napatanga nalang ako sa sinabi nito pero ng makalabas ito ng bahay ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na huwag magreklamo.

"Seduce my ass! Damn that ugly creature!" inis na sambit ko at nagdadabog na tinungo yung silid na tinuro ni walking disaster.

"Naks may nickname na ah pero mas bagay sakanya yung walking dyosa" my subconscious mind is really testing my patience.

Pagkatapos ng mahabang lakaran narating ko din yung maid's quarter o kung quarter ba talaga ito ng mga katulong dahil masyado itong elegante. Ipinatong ko ang maletang dala ko sa ibabaw ng kama para makuha ko sa kailaliman nito ang cellphone kong Iphone Pro Max para tignan ang oras.

Nang makitang magaalas diyes na ay tinungo ko ang kabinet at doon ay tumambad sa akin ang anim na set ng uniforme na style bestida bawat isa dito ay may nakadikit kung anong araw ito susuutin.

Wala na akong inaksayang oras pa at kinuha ko na yung pang Tuesday at sinuot na ito not minding na baka may pumasok sa kwarto ko according kay walking disaster ay ako lang ang katulong dito.

Pagkatapos kong maisuot ang uniform, I swear to god halos hubarin ko ito paalis sa katawan ko.
"Sino bang lintik ang nakaisip ng ganitong uniform?!" utas ko habang pilit na hinihila pababa ang pinaka palda ng damit na suot ko.

"Huwag daw i-seduce pero lintik kahit hindi ko akitin baka kusang maakit dahil sa ikli nitong uniform, mas mukha pa itong pang bar kaysa maid's uniform eh!" hindi ako matigil sa kakadada habang nandidiring tinititigan ang uniform kong hanggang ibaba lang yata ng puwet ko ang haba.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now