Chapter 42

12 0 0
                                    

6 months later...

"Where are you going baby? Malaki na yang tiyan mo dapat ay hindi ka na nag-aaalis." umikot ang bilugan kong mga mata dahil sa pag-aalala nito.

Pansamantala kong itinigil ang paglalagay ng light make up para mag-isip ng idadahilan ko na kalaunan ay nagsabi din ako ng totoo. "I'm going to visit Amanda and Lyndon."

Kaagad na bumadha ang mas matinding pag-aalala sa mukha ni Roberto at alam ko na ang kasunod nito.

"Bakit ka pa pupunta dun?" tanong nito at humawak sa braso ko.

"I just wanted to know their well-being, don't you think it's about time to forgive them and forget what they did?" I know na malaki ang kasalanan nila sa'min pero hindi pwede na habang panahon kaming galit sa isa't-isa, kung kinakailangan na magpakumbaba ako at patawarin sila ay gagawin ko.

"After what they did to us? There's no way!" mariing pagtanggi ni Roberto. Alam ko ang pinanggagalingan nito pero ayoko na ng away.

"Alam kong mahirap ang gusto kong mangyari pero Roberto sawang-sawa na ako sa away at kaguluhan, ayokong makamulatan ng anak natin na may kaaway ang mga magulang niya, kaya hanggat maaari ay gusto ko ng maayos ang problema sa pagitan natin nila Amanda." mahabang paliwanag ko at mukhang natauhan ito dahil lumambot ang ekspresiyon nito.

"Sige papayag ako pero sasamahan kita." sumimangot ako dahil sa sinabi nito pero nung sumama ang tingin nito ay kaagad akong ngumiti at magkakasunod na tumango.

After an hour...

"Sir may appointment po ba kayo?" tanong nung pulis na nasa front desk.

"We're here to visit Amanda Ravens and Lyndon Striker." ako na ang sumagot para kay Roberto dahil abala pa ito sa pagla-log in.

"Okay Ma'am, Sir pakihintay nalang po sila sa visiting hall." kaagad naming sinunod ang utos ng pulis. Pagkadating namin sa visiting hall ay madaming tao na kaming inabutan at mukhang nagkakagulo ang mga ito.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now