Chapter 14

15 0 0
                                    

Bougainvillea Ville

Ravens-Lagasca Mansion

11:00 AM

Habang abala siya sa pagba-vacuum ng sahig ay nakarinig siya ng mga yabag mula sa likuran niya kaya naman inihinto niya ang ginagawa para tignan kung sino ito.

"Ma'am buti dumating ka na, nag-aalala na si Sir Roberto sa'yo." napatakbo siya sa gawi nito at saka sinuri ang amo na parang alalang-alala.

"Okay lang ako." she assured her.

Napahinga siya ng maluwag bago muling nagsalita. "Buti nalang Ma'am okay ka muntik ng magpa-search and rescue si Sir lalo na nung dumating yung driver mo dito tapos hindi ka kasama."

"Okay lang ako, ipaghanda mo nalang ako ng pulutan at alak." nagtaka siya sa sinabi nito dahil ang aga alak ang gusto nitong almusal pero wala siyang ginawa kundi ang tumango.

"Gusto niyo bang tawagan ko si Sir?" tanong niyang muli bago mag-punta sa kusina para ihanda ang gusto nito.

"Ihanda mo nalang ang gusto ko at ako na ang bahala na tumawag kay Roberto and Ramona tawagan mo nalang ako kapag okay na." hindi na nito hinintay ang sagot niya tumalikod na ito kaagad papunta sa kwarto nito. Hindi na din siya nag-abala na kausapin pa ito dahil mukhang marami itong iniisip base sa ekspresiyon nito.

"Anong ginawa mo sa'kanya L?" tanong niya sa sarili bago napapailing na nagpunta sa kusina para magluto ng pulutan nito.

It didn't took an hour para makagawa siya ng sisig na pupulutanin ng among babae naghiwa na din siya ng pipino at gumawa ng sawsawan bago inilapag lahat sa lamesa maging ang isang bote ng brandy, baso at bucket ng yelo. Nang makuntento ay ipinunas niya ang kamay sa suot na apron bago naglakad patungo sa kwarto ng mag-asawa.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto nila ay handa na sana akong kumatok nang mapatigil ako dahil sa narinig kong galit na boses nito para itong may kausap sa kabilang  linya.

"My manager Roberto he-he abused me!" "Manager? Manager? Lucas shit!" kaagad na gumana ang utak niya para balaan ang kaibigan pero hindi muna siya umalis hanggat hindi niya nalalaman ang hakbang na gagawin ng mag-asawa.

"What did that man do to you?!" narinig niya ang galit pero mahinang boses ng kausap nito so she assumed na naka-speaker phone ito ngayon.

"H-he used me and t-threaten me." nanginginig ang boses ni Amanda habang dinig niya ang magkakasunod na mura ni Roberto.

"Will report this to the police!" disididong tugon ni Roberto "dang Lucas this is bad news!" ilang ulit siyang napapamura at napapangiwi sa isiping makukulong sa kasong rape ang kaibigan kahit na mukhang hindi naman rape ang nangyari sapagitan nito at ni Amanda.

"Police? No he-he threaten me. I-I don't want something bad to happen to either of us." rinig niya sa tinig ni Amanda ang magkahalong pangamba at takot. Bago pa siya tuluyang mahuli na nakikinig ay dahan-dahan na siyang umatras pabalik sa sala at nung nasa may hagdanan na siya ay kumaripas siya ng takbo patungo sa kwarto niya para balaan ang kaibigan.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now