Chapter 73

31 1 0
                                    

Six months later

Christelle Point of View

"Male-late na tayo sa church! Baka isipin ni Roberto na hindi na ako sisipot" Sigaw ko na naiinip dahil ang tagal kumilos ng mga kasama ko.

"Hayaan mo si Roberto, busy pa tayo dito oh." giit ni Roana at itinuro ang mga make up na nasa harapan ng salamin.

I rolled my eyes at them kasi kanina pa kami nagme-make up hindi na kami matapos-tapos.

"We've been doing this for hours!" Sancia exclaimed na nagpairap kay Roana.

"You're so overreacting cousin kaya hindi ka inaalok ng kasal ni Lucas eh." imbes na mainis ay lumungkot ang mga mata ni Sancia pagkarinig sa pang-aasar ng pinsan nito.

"Okay lang ba kayo ni Lucas, Sanc?" nag-aalalang tanong ko. I hate seeing Sancia like this normally hindi siya naaapektuhan ng mga pang-aasar pero off ata ang topic na may kinalaman kay Lucas.

"Yeah, we're good." simpleng sagot nito at binalingan na si Roana. "Roana, tama na yan pagpapaganda mo at tara na!" sigaw nito kay Roana habang nakatingin sa mga make up.

Nagbuntong hininga ako at saka tumayo at pinagpagan ang gown ko na animo'y nalukot ito.

"Roana, let's go kanina pa naghihintay yung sasakyan natin." seryosong ani ko.

"Hai! Hai!" said Roana using her japanese expertise.

After so many hours na paghahanda ni Roana ay natapos din kami at ngayon nga ay nasa sasakyan na kami at binabagtas ang daan papuntang simbahan.

"Excited ka na ba sa kasal niyo?" excited na tanong ni Roana habang nasa sasakyan kami.

"Oo, ang tagal ko ding hinintay na mangyari ito!" I can't contain myself from smiling really wide.

"Napag-usapan niyo na ba kung saan ang honeymoon?" tanong ni Sancia na mukhang okay na dahil nakangiti na ito ng nakakaloko sa'kin.

"Gusto ni Roberto mag-out of the country, pero paano naman yung anak namin alam mo naman na ayaw nun ng malayo kami." ang tagal na din simula ng isilang ko ang anak namin ni Roberto, six months ago akala ko ay katapusan na namin ng anak ko, mabuti nalang at dininig ng diyos ang panalangin ko na mas pahabain pa ang buhay naming mag-ina at simula ng maging maayos kami at makalabas kami sa hospital ang una kong ginawa ay ang magsimba at magpasalamat.

"Speaking of anak, Roberto Christofer is so clingy hindi bagay sa pangalan niya." humalakhak si Roana pagkatapos nitong sabihin ang mga iyon. Batok naman ang naging tugon ni Sancia, hindi yata nito nagustuhan ang sinabi ni Roana may sinabi pa nga ito na sobrang cute daw ni RC at siya daw ang favorite nitong tita. Though hindi ko alam kung paano nasabi ni Sancia iyon gayong hindi pa naman nakakapagsalita ang anak namin ni Roberto.

"Nandito na po tayo!" sambit ng driver..

Nagkatinginan kaming tatlo dahil hindi namin namalayan na nakarating na pala kami sa simbahan dahil sa sobra naming kadaldalan.

Mistakes From The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon