Epilogue

53 0 0
                                    

Christelle Point of view

"Roberto Christofer get back here!" sigaw ko nang makita kong palabas na ang anak ko sa front door.

Abala ako sa paglilinis ng mga nakakalat nitong laruan ng makaisip ito ng kalokohan.

Ngumisi sa'kin ang anak ko at tuluyan ng binuksan ang pintuan at lumabas ng bahay.

"ROBERTO!" sigaw ko sa asawa ko na hindi ko alam kung nasaan ng parte ng bahay.

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa din lumalabas si Roberto kaya naman sinundan ko na ang anak namin dahil baka kung mapano na ito. Though hindi ko inaalala kung makakalabas ito dahil hindi naman mangyayari yun kasi naka-lock ang gate ng bakuran namin.

"RC, where are you!?" sigaw ko habang ginagala ko ang paningin ko sa buong bakuran, pero hindi ko makita ang anak ko.

"Roberto!" I called out my husband and just like my son hindi ko din mahanap ang ama nito.

Where did they go? Tanong ko sa sarili ko habang umiiling at nagdesisyon na umikot sa buong kabahayan.

I was about to give up pero bigla kong naalala na may mini man-made forest kami na laging pinupuntahan ng mag-ama ko kaya naman imbes na bumalik sa loob ng bahay ay nagtungo ako dun.

At tama nga ang hinala ko nandito nga ang mag-ama ko, abala sa paglalaro sa damuhan.

"Nandito lang pala kayo, pinag-alala niyo ako." ani ko sa dalawa na kapwa pa napasinghap na animo'y may nakita ako na hindi ko dapat makita.

"Mommy!" pagkuwa'y sigaw ni RC at saka nagtatakbo palapit sa'kin para yumakap.

"Your all sweaty" puna ko dito.

"Sorry Mommy, si Daddy po kase eh hinabol ako." binalingan ko si Roberto at pinandilatan ito.

"Gusto niyang maglaro, baby!" giit ni Roberto.

"Ang kulit niyong dalawa tara na sa loob at ng makaligo kayo." binuhat ko ang anak ko at hinintay ko si Roberto na makarating sa tabi ko bago magkahawak ang kamay na naglakad kami pabalik sa bahay.

"Anong gusto niyong meryenda?" tanong ko sa dalawa ng makapasok na kami sa bahay at maibaba ko ang anak namin.

Nagtinginan ang mag-ama bago tumango-tango sa isa't-isa na wari mo'y nagkakaintindihan sila.

"Ice cream!" "Ice cream!" sabay na sigaw ng mag-ama.

Ngumiti ako at saka tumalikod. "Maligo na kayong dalawa."

"Aye aye!" sigaw ni RC at tumakbo sa may hagdanan.

Nanlaki ang mga mata ko at balak na sanang sumigaw pero naunahan ako ni Roberto. "Jesus! Don't run!"

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now