Chapter 30

24 0 0
                                    

Santiago Metropolitan Cathedral

10:00 AM

Christelle Point of View

The wedding is emotional and amazing I never thought that I saw myself tearing up because of their wedding vows.

"Ganyan din kaya tayo kapag ikinasal tayong dalawa?" wala sa sariling tanong ko habang diretso ang tingin sa kaibigan namin na abala sa picture taking.

"I wanted to marry you now baby." Napangiti ako sa sinabi ni Roberto pero hindi ko pa din inalis ang tingin kay Monica.

"Hey C, let's take a picture together!" Anyaya ni Monica na talagang sumigaw pa sa loob ng simbahan.

Excited na nagpunta ako sa kinaroroonan nila pero nung narating na ako ay biniro ko si Monica tungkol sa pagsigaw niya. "Hoy nasa simbahan tayo ateng makasigaw ka naman."

"Who cares!" Umirap ito pero kalaunan ay sumigaw na naman at sinamahan pa ng pagtalon habang nakayakap sakin. "Ahh!"

"Hahaha!" tawa ko at nakisabay sa pagtalon nito pero kaagad kaming napahinto ng sabay na nagsalita si Roberto at Joshua.

"Girls" sabay na ani ng dalawa kaya naman masamang tingin ang ipinukol namin sa mga ito.

"Boys!" bawi namin at saka sumenyas sa photographer na kuhanan na kami ng litrato. Kaagad kaming nagpose at pinipilit kaming paghiwalayin ni Roberto at Joshua pero mas hinigpitan namin ang pagkakayakap sa isa't-isa.

"Baby!" "Hon!" sabay na sigaw ng dalawang lalaki at nakasimangot na tumingin sa'min.

"Hahaha!" sabay kaming tumawa ng malakas ni Monica na na-sakto naman sa pag-ilaw ng flash ng camera kaya nakuhanan kami na tawang-tawa habang nakasimangot ang dalawa.

The wedding is indeed a fun experience. It's actually my first time attending a wedding kaya hindi ko alam kung ano ang i-eexpect ko. Even my best friend Erica's wedding I never attend that one because we're not in good terms back then and I was also busy that time.

Speaking of Erica hindi siya umattend ng wedding ni Monica kase kinailangan niyang bumiyahe papuntang US dahil sa business but she still manage to congratulates her.

"I'm so excited for the reception." ani ko kay Roberto at naglakad na palabas ng simbahan pero kaagad akong napahinto dahil hindi ito sumabay sa'kin.

"Are you mad at me?" nakakunot-noo na tanong ko at hinintay ito na makarating sa kinaroroonan ko.

"No!" he pinch my nose and drape an arm around my neck ng makarating sa tabi ko. "It's been awhile since I saw you laugh like that." I smiled at him. I couldn't help but agree since naghiwalay kami hindi ko na alam kung paano pa magiging masaya ngayon nalang ulit na kasama ko siya at maayos na kami ni Erica at Limuel.

"Let's go to the reception bago ka pa umiyak haha." Pang-aasar nito. Pinalo ko ito sa dibdib at saka iningusan.

Hindi naging matagal ang byahe namin papunta sa reception dahil malapit lang naman ito. Pagkadating namin sa lugar na pagdadausan ng kasal ay abala na ang lahat sa pagkain ng pananghalian.

"Ayun yung table natin." Ani ko ng makita ko ang table namin sa hindi kalayuan nanduon na din si Lucas na abala sa pagpindot sa cellphone ni hindi na nito pinapansin yung mga kababaihan na tahasan ang pagtitig dito.

"Quite busy huh!" I said to him when we get near him.

Pansamantala itong huminto para tignan kami at batiin. "You guys are late." Ani nito at muling bumalik sa pagpindot sa cellphone.

Tumingin ako kay Roberto pero nagkibit lang ito ng balikat at ipinaghila ako ng upuan. "Thank you." Pasasalamat ko sa pagiging gentleman nito.

"Dang it!" Mura ni Lucas

"The heck Lucas!" Bulyaw ko dito ng makaupo ako but he just look at me and Roberto.

"What's wrong bro?" Malumanay na tanong ni Roberto at dahan-dahan na ipinakita sa'min ni Lucas ang pinagkakaabalahan niya.

"Where is she?!" Galit na tanong ni Roberto at nagsimulang igala ang tingin sa buong lugar. Pero hindi ko na naalis ang tingin ko sa cellphone ni Lucas kung saan masaya kaming nakangiti ni Roberto sa isa't-isa at may nakasulat din dun na beautiful couple isn't it?

"Baby we have to go." Roberto announced at hinawakan ako sa kamay para alalayan tumayo pero hindi ako nagpatinag.

"Why?" I ask him and tried to wave off his hand.

"Because it's not safe here!" He exclaimed

"It's our friends wedding today. I don't want to leave just like that." Pagmamatigas ko, napahilamos si Roberto sa mukha na para bang inis na inis na sa'kin.

"Baby I don't want something bad to happen to you. I can deal with Amanda and Lyndon but I need you to be safe." Pagpapaliwanag nito pero para na akong tanga na hindi maintindihan iyon.

"C, listen to Roberto and go home." This time it was Lucas and his patient voice who try to convince me pero hindi ako kailanman magpapagiba nanatili lang akong nakaupo at nagsimula pa nga akong sumubo sa pagkain na hindi ko na namalayan na inilapag pala nung waiter.

"Baby please." Roberto pleaded. Napabuntong hininga ako at dahan-dahan na tumango.

Mabilis naming nilisan ang lugar ng hindi nagpapaalam sa bagong kasal ang sabi din ni Lucas ay siya na ang bahala na magsabi kila Monica.

Pagkadating namin sa bahay ko ay dumiretso ako sa kwarto ng hindi hinihintay o pinapansin si Roberto kahit na ilang beses na niya akong tinawag.

"Christelle talk to me." Muling tawag nito pero nagbingi-bingihan ako kagaya kanina.

Naupo ako sa kama at sinimulang alisin ang high heels na suot ko pero pinigilan ako ni Roberto at ito na mismo ang nag-alis ng high heels ko.

"Please forgive me. I just wanted you to be safe." Nagbuntong hininga ako at seryosong tumingin dito.

"I'm sorry for acting this way it's just that it's our friends wedding today and I don't want to disappoint her and also I'm scared." Kahit anong pagtatapang-tapangan ko ay natatakot pa din ako hindi para sa sarili ko kundi para sa mga mahal ko sa buhay.

"Walang mangyayaring masama sa'yo. Gagawin ko ang lahat para maging ligtas ka." Puno ng pagmamahal na ani ni Roberto at saka ako dinampian ng mababaw na halik.

Niyakap namin ni Roberto ang isa't-isa pero kaagad din kaming napahiwalay sa yakapan ng tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa ng pantalon nito.

Pinanood ko ang pagbabago ng expression ni Roberto mula sa kunot-noo hanggang sa galit habang sinasagot ang tawag.

"Damn it Amanda ano ang kailangan mo?!" Inilagay ni Roberto sa speakerphone ang tawag at galit na sinigawan ang nasa kabilang linya.

"Well hello to you too my husband." Nakakairita ang pagiging masaya nito kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko na huwag sumabat sa usapan nila.

"Anong kailangan mo Amanda?" Mahinahong tanong ko.

"Well if it isn't the slut maid." She suddenly said.

"She is not a slut, you are!" Galit na muling sigaw ni Roberto.

"Yes I am a slut, you made me like one and I will make sure na magiging puta din ang babaeng mahal mo!" Pagbabanta nito at pinatay ang tawag.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko at ibang takot at galit ang naging hatid ng pagbabanta nito.

"Walang mangyayaring masama sa'yo mahal ko, I am going to kill them just to keep you safe."

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now