Chapter 63

12 0 0
                                    

"No!" Sigaw ko ng tuluyan ng makalayo ang kotse na sinasakyan nila Christelle.

"Man let's go inside!" Narinig ko ang kalmadong boses ni Lucas mula sa likuran ko.

Napatingin ako dito at nilalamon ako ng inis pagkakita sa kalmado nitong mukha.

"Why are you so calm? Christelle just left damn it!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sigawan ito dahil iba ang ine-expect ko na magiging reaction nito kapag nalaman na iniwan na ako ni Christelle.

"What? You want me to throw some tantrums?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Mas lalong uminit ang ulo ko pagkarinig sa sinagot nito.

"Do you really care for her and our baby!?" Ang kalmado nitong expression ay napalitan ng galit at ang mga nakakakilabot na tingin nito ay pumukol sa'kin.

"Don't question my care for them kase isang dekada kong inalagaan si Christelle nung iniwan mo siya at pinagtangkaan siyang patayin, wala ka sa tabi niya everytime na babangungutin siya ng mga nangyari sa kanya, wala ka sa tabi niya nung nawala ang una niyong anak at wala ka sa tabi niya everytime na mayroon siyang psych session, kaya huwag mong kwestyunin ang pag-aalala ko!"

Para akong sinampal ng mga pagkukulang ko. Napapahiyang yumuko ako bago humingi ng paumanhin. "Sorry."

"Naiintindihan ko na hindi niyo kaya ang malayo sa isa't-isa pero ito ang pinaka magandang gawin, sa kalagayan ni Christelle na malapit ng manganak walang kapayapaan ang magiging buhay niyo habang nandito si Glacier. Ngayon na wala si Christelle dito na aalalahanin natin at ngayong nakalaya na tayo pwede na nating magawa ang mga plano natin kay Glacier.

Napaisip ako sa sinabi ni Lucas at saka ko lang narealize na ang tanga ko dahil hindi ko naisip ang bagay na yun kaagad.

"I'm such an idiot for not thinking straight, I can't imagine myself without her." Ngumisi si Lucas na nang-aasar bago nagpatiuna sa paglalakad papasok ng bahay.

"What's our plan?" Tanong ko nang makaupo kami sa sofa.

"Oh my god namiss ko ang malambot na sofa!" Komento nito at hindi pinansin ang tanong ko.

Natatawang pinanuod ko ito na gusto na yatang yakapin ng buo yung sofa namin. Hindi ko naman siya masisisi isang linggo din kaming nag-share sa maliit na higaan at matigas na upuan.

"Hey! I need you to be serious right now!" Sita ko dito habang pinipigilan ang pagtawa.

Nakasimangot itong tumingin sa'kin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko tuluyan na akong napahalakhak and in instant he look at me deadly.

"S-Seriously we need to think of a great plan." I said while suppressing a smile and raising my arms as a sign of surrender.

"I know a good plan!" He exclaimed all of a sudden na parang may magandang bagay ang biglang nag pop up sa utak nito.

"Really!? Spil!" Bigla akong nakaramdam ng excitement pagkarinig sa sinabi nito.

"A shower!" Hindi ko alam kung tatadyakan or sasapukin ko ba ang taong ito dahil sa naging sagot nito sa'kin.

"What the heck, bro!?" Sigaw ko dito at binalibag ito ng throw pillow na mabilis nitong sinalag.

"I'm serious bro, I need a shower because I feel sticky." Nakangisi itong naglakad papunta sa guest room.

Nang maiwan akong mag-isa ay nag-isip ako ng magandang plano kung paano mapapabagsak si Glacier pero kaagad akong nawala sa iniisip ko ng tumunog ang cellphone na nasa coffee table.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now