Chapter 43

9 0 0
                                    

Christelle point of view

Yesterday was a mess but I didn't expected that today is even more messier. Nagising ako na wala na si Roberto sa tabi ko and I think I heard maffled noise from downstairs kaya nagdesisyon akong bumangon para tignan kung ano ang nangyayari dun. Habang naglalakad ako pababa ay palakas ng palakas ang naririnig kong ingay, maraming boses na parang nagtatalo may mga ilang boses na pamilyar sa'kin meron din yung ngayon ko palang narinig.

Ano kaya ang pinagtatalunan ng mga ito? Nagtatakang tanong ng aking isipan.

At nung nasa huling baitang na ako ng hagdanan ay malinaw ko ng naririnig at nakikita ang lahat.

"Why the hell did you let this happen!?" galit na galit na sigaw ni Roberto habang nakaturo sa isang pulis.

"Sir hindi namin kagustuhan na makatakas si Amanda, gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para mahuli lang si Amanda." kaibahan kay Roberto na galit, kalmado lang kung magsalita yung pulis.

Napasinghap ako pagkarinig sa sinabi nung pulis, kaagad na napatingin si Roberto sa gawi ko at nag-aalalang pinagmasdan ako.

Lumakad ako papunta sa gawi nito. "What happen Roberto?" tanong ko ng makalapit na ako.

"Amanda's alive baby and she's out of jail." Pakiramdam ko ay tinakasan ng kulay ang mukha ko dahil sa narinig.

"What!? How did that happen?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kahit anong isip ko ay hindi ko mapaniwalaan na nakataas siya, nasaan na ito ngayon?

"We believe that the fire in their dungeon was only a diversion." tumaas ang isang kilay ko sa isinagot ng pulis.

"Paano po yung sunog na katawan na nakita sa selda? Ang sabi sa news ay kinilala ang  bangkay na si Amanda, paano pong nangyari na nalusutan kayo?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na kwestiyunin ang kakayahan ng mga ito dahil sa nangyari.

"We are deeply sorry sa mga nangyari Mrs Lagasca, gagawin po namin ang makakaya namin para mahuli lang si Amanda. Tutuloy na po kami." Si mommy na ang tumango at naghatid sa mga pulis palabas ng bahay.

"You want to eat something baby?" tanong ni Roberto pero umiling lang ako.

Pagkatapos nang meeting sa pulis ay nanatili lang kami sa sala, walang gustong gumalaw or lumabas ng bahay.

"What a turn of event!" Mom exclaimed nung makabalik ito galing sa paghahatid sa pulis palabas ng bahay.

"What are we gonna do now Roberto?" I look at him helplessly.

"I don't know." Napahilamos ito at frustrated na sumagot.

"You don't know, ano ganito nalang tayo matatakot at anong kasunod, magtatago!?" Inis na sigaw ko.

Roberto gritted his teeth because of my sudden outburst.

"Bakit sa'kin ka nagagalit, kagustuhan ko ba na makawala siya!?" Hindi nito nagustuhan ang pagtataas ko ng boses kaya maging ito ay nagtaas na din.

"Stop it, you two!" Sigaw ni Mommy para patigilin kami ni Roberto sa nagbabantang mas malalang away.

"Why don't we talk the issue over breakfast?" Much as I wanted to say no thanks, I know my responsibility as a pregnant woman kaya naman tumango ako.

Ngumiti si Daddy at nagsimulang magtawag ng katulong para sabihin na ipaghanda kami ng makakain.

Kaagad na nagsisunod ang mga katulong at nung maayos na ang hapagkainan ay sabay-sabay na kaming nagtungo doon.

Wala kaming kibuan ni Roberto habang naglalakad papunta sa dining area, ang tanging nagsasalita lang ay ang mga magulang ni Roberto.

Nang makarating kami sa hapag at magsisimula na sa pagkain ay hindi hinayaan ni Roberto na pagsilbihan ko ang sarili ko. "Anong gusto mong ulam?" Tanong nito habang naglalagay ng kanin sa plato ko.

"
Tinitigan ko ang lahat ng mga nakahanda at isa lang ang nagustuhan ko. "Bacon"

Tumingin ito sa'kin kaya naman napayuko ako dahil sa hiya, tho hindi ko alam kung bakit ako nahihiya. "Just the bacon?" Tanong nito na hinuhuli ang tingin ko.

"Hmm" nakanguso akong tumango at pinipilit na iiwas ang tingin dito.

Tumawa ng malakas si Roberto kaya naman pinukol ko ito ng masamang tingin.

 "Darling parang gusto ko ulit mag-honeymoon." Nawala ang atensiyon namin ni Roberto sa isa't-isa ng marinig namin si Mommy na nagsalita.

"Ako din darling, nakaka-inggit kase yung love birds dito." Sang-ayon naman ni daddy at talagang pinaringgang pa kami.

Kinikilig na tumili si Mommy dahilan para mapatawa kami ni Roberto ng sabay.

"I'm sorry Roberto." I apologize without glancing at his direction.

"I'm sorry too." He apologize

Pagkatapos magkapatawaran ay nagsimula na kaming mag-agahan habang paminsan-minsan ay nagkwe-kwentuhan.

Nang matapos kaming kumain ay inalalayan ako ni Roberto papunta sa garden, dahil na din sa kagustuhan ko.

"Hindi pa natin ulit nadadalaw yung anak natin." Ani ko habang nakatanaw sa magandang halaman. Bigla ay naalala ko yung anak ko na hindi ko manlang naisilang.

"Dadalawin natin siya kapag maayos na ang lahat." Nangilid ang luha ko sa sinambit ni Roberto.

"Magiging maayos pa ba ang lahat?" I throw him glances.

"Oo magiging maayos ang lahat, ang kailangan ko lang ay ang pagtitiwala mo." Roberto wrapped his arms around my body.

"May tiwala ako sa'yo mahal ko, pero sa tadhana? Hindi ko alam." Kahit kase anong pagtitiwala ang gawin ko kapag tadhana na ang kalaban ay walang kasiguraduhan.

"You don't have to trust the destiny, just trust me baby." Magkakasunod akong tumango sa nais nitong mangyari.

Makalipas lang ang ilang minutong pagtayo ay nakaramdam na ako ng ngalay kaya naman sinabihan ko na si Roberto. "Upo muna tayo mahal ko nangangawit na ako."

Inalalayan ako ni Roberto paupo sa bench.

"Ang laki na ng tiyan mo, madalas ka na ding napapagod." Pagkuwa'y sambit nito na parang may pinapahiwatig.

Hindi ko pinansin ang mga pinapahiwatig nito bagkus ay sinagot ko ito na normal na  normal lang. "Malapit na din kase ang kabuwanan ko kaya lagi na akong napapagod, sana ay mapagtyagaan mo pa ako."

"Tyaga? Haha hindi mo kailangan sabihin yan dahil hindi ako mapapagod para sa'yo." Na-touch naman ako sa sinabi nito.

"Pero baby hindi na ba pwede?" Kumunot ang noo ko sa dinugtong nito.

"Hindi na pwede? Ano?" Nagtatakang tanong ko.

"Alam mo na, I miss doing it with you." Noon ko lang narealize ang gusto nitong sabihin.

"Ahh" parang tangang tugon ko.

"Ano? Pwede pa ba?" Magkasunod na tanong nito at ang naging tugon ko lang ay magkasunod na pagtango.

"YES!"

Mistakes From The Past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon