Chapter 49

10 0 0
                                    


Roberto point of view

The moment Christelle left para gumamit ng banyo ay magtutulak na sa'kin na sundan ko ito. Kaya naman sinunod ko ang instinct ko pero kaagad akong kinwestiyon ng magulang ko.

"Where are you going Roberto?" Napahinto ako sa tangkang pag-alis ng marinig ko ang nagtatakang tanong ni Mommy.

"Kay Christelle" they immediately rolled their eyes as soon as they heard my answer.

"Jesus Roberto let her be, nag-cr lang naman siya." Paliwanag nila pero hindi nagbago ang pakiramdam ko.

"I'm worried Mom, please let me go see her. Kahit mauna na kayo sa sasakyan at ako nalang ang maghihintay sa kanya." Mukhang napansin naman ng mga ito na seryoso ako kaya naman tinanguan nalang nila ako.

Nang makuha ko ang approval mula sa kanila ay tumalikod na ako para magtungo sa cr ng mga babae. Nasa malayo palang ako ay kakaiba na ang kabog ng dibdib ko na parang may nagsasabi sa'kin na may nangyaring masama sa mag-ina ko, isang bagay na ikinakatakot ko.

Habang naglalakad ako palapit sa cr ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko ay mabibingi ako.

"Jusko, huwag naman po sana." Naiusal ko nalang habang naglalakad ako papasok sa cubicle. Wala na akong pakialam kung para lang sa mga babae ang lugar na ito ang mahalaga lang sa'kin ay malaman kung ligtas ang mag-ina ko.

Pagkapasok ko sa isa sa mga cubicle ay pigil ang hininga ko pero kaagad akong napahinga ng malalim ng wala akong makita ni isang tao kaya naman lumabas na ako at nagtungo sa katabing cubicle.

Muling bumalik ang kaba ko at mas lalo pa akong nakaramdam ng sobrang kaba ng may maaninag akong tao na sa tantiya ko ay nakasalampak sa sahig.

Abot-abot ang tahip ng dibdib ko habang pinipihit ko ang seradura. Paulit-ulit akong nagdarasal na sana ay hindi si Christelle ang taong ito.

Nang tuluyan ko ng mabuksan ang pinto ay halos lumubog ang puso ko sa nakikita ko, pakiramdam ko ay tuluyan ko ng nakalimutan kung paano gumalaw at huminga.

Kusang kumilos ang kamay ko para kunin ang cellphone ko at i-dial ang numero ni Lucas.

"Hello, bud?" Wala pang dalawang ring ay sinagot nito ang tawag ko.

"L-Lucas!" Hindi ko halos maituloy ang pagtawag ko dito. Kaagad kong narinig ang mabilis na pagkilos sa kabilang linya.

"What happened!?" Dama ko ang takot sa boses ni Lucas.

"S-She g-got C-Christelle." Magkakasunod na tumulo ang luha ko at nag-ngalit ang panga ko habang nakatingin sa katawan ni Lyndon na naliligo sa sariling dugo.

"W-What!? How!?" Malakas at galit na sigaw nito.

"L-Lyndon is d-dead, I need you to go here." Sumang-ayon ito sa gusto kong mangyari.

Nagpaalam lang kami sa isa't-isa bago ko pinutol ang tawag para, tawagan ang mga pulis.

Umalis ako sa crime scene pero sinigurado ko na wala ng tao na natitira sa ikatlo at huling cubicle bago ako nagtungo sa mga magulang ko na tahimik na naghihintay sa'kin.

Pagdating ko sa dining ng restaurant ay kaagad kong tinungo ang manager ng restaurant at sinabihan ito ng tungkol sa nangyari.

Habang kinakausap ko ang manager ay namumutla na ito na parang hihimatayin pero hindi naman ito nagreact na tipong makaka-attract ng tsismis.

Pagkatapos kong sabihan ito ay ang mga kapamilya ko naman ang nilapitan ko.

"Where's Christelle, akala ko ay susunduin mo siya?" Tnaong ni Mommy.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now