Chapter 48

8 0 0
                                    

"What took you so long!?"

Pagbaba palang namin sa kotse yan na ang binungad sa'min ni Mommy kaya naman todo sa paghingi ng pasensya si Roberto .

"Sorry Mom, hindi namin napansin yung oras."

"Seriously Roberto!?"

Galit talaga si Mommy kaya puro singhal ang ginagawa nito ngayon at ang pinagbubuntunan nito ng galit ay ang sariling anak.

"Mommy sorry kung na-late kami sa napag-usapan na oras sobrang ganda po kase nung pinanuod namin kaya hindi na namin napansin yung oras."

Sumingit na ako dahil baka humaba at lumala ang pagtatalunan ng mag-ina kaya naman mabuti ng mapigilan ang mga ito.

"Let's go, kayo nalang ang hinihintay namin."

Nagkatinginan kami ni Roberto, kapwa magkaiba ang ekspresiyon namin, ito ay nakanganga at hindi makapaniwala sa pagbabago ng tono ng mommy nito at ako naman ay nakangiti habang nakatingin sa mukha nito.

Nagsimula kaming maglakad sa kinaroroonan ng van dahil yun daw ang gagamitin namin para kasya kaming lahat at habang naglalakad kami ay biglang nagtanong sa'kin si Roberto.

"Bakit ang lumanay magsalita ni Mommy sa'yo samantalang sa'kin ay nakasinghal siya, e parehas lang naman tayong na-late?"

Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy sa paglalakad bago nakaisip ng isasagot.

"Ewan, maybe because I'm pregnant?"

Dahil wala naman na yatang sasabihin so Roberto ay nanahimik nalang alo hanggang sa makarating kami sa isang kilalang restaurant.

"Do you have a reservation ma'am?" Sa bungad palang ng restaurant ay may staff ng sumalubong sa'min para magtanong dahil si Mommy ang nasa unahan, ito na din ang sumagot sa itinanong ng staff.

"Yes, reservation for Lagasca Family!"

Kaagad na umaliwalas ang mukha nung staff pagkarinig sa family name namin or more like nung mga kasama ko.

"Come this way ma'am!" The staff lead us to the presidential table that will fit for ten person.

"Thank you so much!" Malugod na tinanggap ng staff ang pasasalamat ko after we got settled in.

"I will be back for the menu!" The staff was about to leave for the menu but daddy stop him from doing so.

"We already reserve a food for us so don't bother bringing the menu."

"Okay sir I'll just serve your foods when it's ready."

We thank him before he take his leave, at nung kami nalang miyembro ng pamilya ang nasa lamesa nagsimula na kaming mag-kwentuhan at ang naging topic namin ay ang pangalan ng baby namin ni Roberto.

"So Ate Christelle nakaisip ka na ba ng pangalan ng baby niyo ni kuya?" It was Rolyn who ask first.

Napaisip naman ako at saka ko lang narealize na wala pa pala ako naiisip na pangalan.

"Wala pa nga kaming napipili eh, pero naisip ko na pagsamahin nalang yung name namin ni Roberto." Pagdadahilan ko

"How about Ron Christopher!?" Excited na suhestiyon ni Rolyn.

"Asan yung pangalan ko dun!?" Singit ni Roberto pagkarinig sa pangalan na binanggit nung pinsan nito.

"Nothing, pangalan lang namin yun ni Ate Christelle!" Pang-aasar ni Rolyn dito.

Sumimangot si Roberto at sinamaan ng tingin ang pinsan nito.

"Ikaw na kaya ang maging tatay niyan tutal pangalan mo yung nilagay mo!?"

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now