Chapter 58

10 0 0
                                    

A day after I got out from the hospital Lucas and Roberto started acting weird for the reason I don't know, kapag tinatanong ko naman sila ay umiiling lang ang mga ito.

"Hey Lucas!" panimula ko palang sana sa sasabihin ko pero nagpaalam na ito na aalis, kesyo may pupuntahan daw itong importante.

Napabuntong hininga ako at nag-scroll sa facebook, I don't usually use facebook pero may nagtutulak sa'kin gamitin ito ngayon.

I was busy scrolling when a knock on my door startle me, before I got up to open the door and put my phone down, I caught a glimpse of Lucas and Roberto's name.

"Are you Christelle Ramona De Leon?" pagkabukas ko ng pinto ay nabungaran ko ang dalawang unipormadong pulis.

"Come on in officer." niluwagan ko pagkakabukas ng pinto at inanyayahan ang mga ito na pumasok.

Pagkapasok ng mga pulis sa loob ng bahay ay nakita ko ang isa sa mga ito na iginala ang tingin sa kabuuan ng sala at kita ko ang pagkamangha sa mata nito.

"My name is Christelle Ramona De Leon, sir." inalis ko ang tingin ko sa pulis na iyon at para ibaling sa pinaka official ng mga ito.

"I'm looking for Lucas Corpuz and Roberto Lagasca, nandito ba sila?" kumunot ang noo ko sa itinanong nito.

"Ano po ang kailangan niyo sa dalawa na iyon?" Kinakabahan ako sa pagpunta ng mga pulis dito at sa paghahanap ng mga ito kila Roberto.

Anong ginawa niyong dalawa? Kinagat ko ang gilid ng labi ko at inisip na maigi kung ano ang pakay ng mga ito.

"Nakatanggap kase kami ng report from Ms Glacier Rustan na pinasok ng dalawa ang bahay ng dalaga at walang habas daw na sinaktan siya ng mga ito." lumuwa ang mga mata ko at napanganga ako sa sinagot ng pulis sa'kin.

"WHAT!?" Hindi makapaniwalang sigaw ko.

"Here's the picture of Ms Glacier." lumubog ang puso ko sa awa pagkakita sa larawan ni Glacier na ipinakita nung pulis. I know that I almost lost my baby because of her but seeing her all bruised and such is terrible. But I can still have my doubts.

"Are you sure that those men did it to her?"

"Here are the records of the cctv at Rustan's residence, sila yan diba?" mabagal akong tumango at wala sa sarilin nabitawa ko ang mga larawan na hawak ko.

"I'll call their phones nalang officer wala kasi sila ngayon dito." pinuntahan ko ang sofa na pinagbabaan ko ng phone ko at nanginginig ang kamay na dinial ang numero ni Roberto.

Umupo ako ng maayos habang maya't-maya kong kinakagat ang loob ng labi ko.

"Sir, pwede ko po bang malaman kung anong kaso ang isinampa ni Glacier kay Roberto at Lucas?" Call me an idiot but I need to know kung ano ang nangyari dahil may duda kasi ako na baka may ibang kaso pang isinampa si Glacier bukod sa trespassing at physical injury.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now