Chapter 64

11 0 0
                                    

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising kaya naman nung magising ako ay gutom agad ang naramdaman ko. Pupungas-pungas na naglakad ako pababa ng hagdan para kumain pero halos hilahin ko pabalik sa taas ang sarili ko ng matanaw ko ang nakangising si Glacier at si Lucas na masamang tingin ang nakapukol dito.

"Good morning Roberto, I prepared breakfast!" masiglang bati nito na hindi ko pinansin.

Pinukol ko ng nagtatanong na tingin si Lucas pero itong gago na ito ay nakatitig kay Glacier na parang nasusuka.

"What the heck is she doing here!?" Malakas na tanong ko kay Lucas ng balingan na ako nito.

Nagkibit-balikat ito at naglakad papunta sa kusina. Nagmadali ako sa pagbaba at ng magpantay na kami ay hinaklit ko ang braso nito at saka mariing tinanong. "What the hell are you doing here!?"

Ngumiwi ito dahil sa sakit pero hindi ko ininda iyon sa halip ay mas diniinan ko ang pagkakahawak ko dito.

"Aw!" daing nito at saka winagwag ang kamay ko pero no use.

"Tell me what the fuck are you doing here!?" gigil na tanong ko.

"I prepared breakfast, I already told you that!" angil nito at pilit pa din na winagwag ang kamay niya.

"Who the fuck told you to come in here!?" hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko habang nakatingin ako sa mukha nito ay naaalala ko ginawang pag-alis ng mag-ina ko.

"Yung sarili ko, bakit bawal ba?" matapang na tanong nito sa'kin.

Talagang inuubos nito ang pasensya ko handa na sana akong saktan ito ng matigilan ako sa biglaang pagtunog ng telepono.

"Umalis ka na!" utos ko dito at saka ako tumalikod para puntahan ang telepono na tumutunog.

"Hello!" wala sa mood na sinagot ko ang tawag pero nagtaka ako dahil nakarinig ako ng nagkakagulong tao sa kabilang linya. Kaagad na dumapo ang kaba sa dibdib ko ng walang sumagot sa'kin pero naririnig ko ang pangalan ko mula sa mga ito.

"What's happening!?" malakas na tanong ko at saka lang mukhang natauhan ang mga iyon at nagsitahimik.

"R-Roberto, we need you here!" natatarantang sambit ni Mommy.

"Tita, we need to go!" dinig ko ang malakas na sigaw ni Sancia at ang mga kaluskos ng mabibilis na pagkilos.

"Mom, what the hell is happening!?" naiinis nang tanong ko dito.

"Manganganak na si Christelle!" Galit na sigaw ni Mommy.

Parang bomba na sumabog ang sinabi ni Mommy sa pandinig ko, pansamantal akong naestatwa sa kinatatayuan ko hanggang sa wala na akong kausap sa kabilang linya.

"Roberto?" natauhan ako ng marinig ko ang pagtawag ni Glacier. Kaagad na sumama ang tingin ko dito at hindi ko na napigilan ang sarili ko na saktan ito at pagsalitaan ng hindi maganda.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now