Chapter 18

21 0 0
                                    

Lucas point of view

10:00 am sa kahabaan ng edsa.
 

"Good morning philippines puputulin ko muna ang inyong pakikinig dahil isang balita ang natanggap ko mula sa aming source," sambit ng favorite kong dj sa radyo. Napakunot ang noo ko at yamot na pinaglaruan ang volume ng radyo dahil sa pambibitin nito.

But what she said next almost knocked me out. "The famous international model Erica Suarez-Benilde is back in town. I heard that she signed an endorsement deal sa sikat na kumpanyang RBL Corporation if you want to know everything about the news, just visit every sites on google."

Natapos ang balita tungkol kay Kikay at bumalik sa tugtugan ang pinapakinggan ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha kung bakit gustong ipahanap ni C si Kikay.

"Dang C ano bang plano mo at pinapahanap mo yang hilaw nating kaibigan at talagang ako pa na nagtatago sa mundo!" Galit na hinampas ko ang manibela ng kotse ni Christelle ng ma-stuck ako sa buhol-buhol na traffic sa edsa.

Last night nakareceived ako ng text from C na Kikay is back in town na nga daw kaya ito ako ngayon kasalukuyang hinahalughog ang buong manila para hanapin ang traydor naming kaibigan pero dahil sa traffic ay mukhang aabutin ako ng siyam-siyam.

"I thought okay ka na sa kanila C given na dumating si Roberto sa buhay mo but I was wrong. I guess what happened to the three of you leave a big impact to you." Wala sa sariling sambit ko. Lintik na traffic na'to nagmumukha na tuloy akong baliw kakakausap sa sarili ko.

Habang abala ako sa pag-jam sa tugtog ay bigla ko nalang naalala ang isang taong makakatulong sakin. "Xander!" bulalas ko at excited na nag u-turn nung makita ko yung palikong daan papuntang Cathleya Peaks kung saan ito kasalukuyang nanunuluyan,

Sa labas palang ng building ay hindi na matanggal ang ngisi ko. Dali-dali akong lumabas ng kotse at nagtatakbo papunta sa entrance para makaiwas sa init ng araw pero papasok palang ako sa building ay hinarang at pinigilan na kaagad ako ng security guard. "Sir, wait lang po."

"Bakit po?" nagtatakang tanong ko at pilit na isinisiksik ang sarili sa lilim ng building.

"Hindi mo po pwedeng iwan ang kotse mo diyan sa harapan," nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi ng guwardiya at pinakita ko ang pagkayamot ko dito.

"Sir naman sandali lang po ako nandiyan lang po sa second floor yung pupuntahan ko," ngumiti ako at nagpa-cute at lihim na nanalangin na sana ay hindi niya mapansin na nagsisinungaling ako.

"Sige Sir pero sandali ka lang ha kase mawawalan ako ng trabaho pag nakataon," kakamot-kamot sa ulong pagsuko ng guwardiya.

"Thank you Sir!" kumaripas na ako ng takbo at baka magbago pa ang isip ni Kuyang Guard.

Nang makita kong may naka-stop na elevator na walang laman ay kumaripas ako ng takbo papasok dito. Pakiramdam ko ay babagsak na ako dahil sa pagod sa ginawa kong pagtakbo.

"Yari ka talaga sa akin C!" hinihingal na pinindot ko yung top floor. Sandali lang ay narating ko din ang top floor hindi naman kase ganun kataas itong Cathleya Peaks hindi ito kagaya ng Dominican Heights na plano yatang abutin ang langit gamit ang concrete. Dahil sa madalas naman ako dito pag may pinapahanap ako kagaya nalang ngayon ay hindi ko na kailangan na magtanong pa sa mga taong dumadaan.  

"Open the door!" Kinalampag ko ang pinto ng unit ni Xander pero walang nagbubukas.

"Come on Man!" Muli kong kinalampag ang pintuan at this time may sumagot mula sa loob pero mas lalo lang akong nainis sa isinagot nito. "PASSWORD?!"

"HOW THE HELL SHOULD I KNOW YOUR PASSWORD DIMWIT!" inis na sagot ko at magkakasunod na kinalampag ang pintuan.

Siguro ay nainis na ito sa kakakalampag ko ng pintuan kaya naman padabog na nitong binuksan ang pinto at saka ako sinigawan ng pagkalakas-lakas. "DAMN IT L BALAK MO BANG SIRAIN ANG PINTO KO?!"

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now