Chapter 71

12 0 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa sama ng pakiramdam ko.

"Christelle are you okay?" Ang nag-aalalang tanong ng mommy ni Roberto. I tried looking for her but it feels like my vision got blinded pero ang kaibahan lang ay nakikita ko ang kapaligiran tanging yung mommy lang ni Roberto ang hindi ko makita.

"Where are you Mom!?" I ask nervously at nagsimula na din akong i-angat ang kamay ko para kapain ito.

"I'm here!" Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Mommy at ng mahawakan ko ang kamay nito. "What's wrong?" Para akong hinatak pabalik sa kasalukuyan at yung pansamantalang pagkawala ng paningin ko ay bigla nalang nagbalik.

Pinakatitigan ko ang nag-aalalang mukha ni Mommy. "I've got blinded." Sambit ko at mas lalong lumala ang pag-aalala nito.

"Tatawagin ko lang ang doctor!" Tumango ako dito.

Nang makalabas si Mommy ay pinikit-pikit ko ang mga mata ko para tignan kung mawawala ulit ang paningin ko pero walang nagbago, huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko dahil baka pagod lang itong nararamdaman ko at baka pagod lang rin ang nangyari kanina.

"Hello!" Hindi ko alam kung gaano kabilis akong bumaling sa pintuan pagkarinig sa boses na yun, basta ang alam ko lang ay sumakit ang leeg ko dahil sa ginawa kong pagbiling.

"A-Anong ginagawa mo dito?" I tried looking for someone pero wala akong ibang makita kundi si Glacier lang at ang isang lalaki na hindi ko kilala.

"Looking for protector?" Glacier asked in amusement.

Kinakabahan ako sa biglaang pagpapakita nito sa hospital.

"What are you doing here?" I tried to look tough but deep inside me I was praying na sana bumalik na si Mommy.

"Well, hindi mo na dapat tinatanong pa kung ano ang dahilan ng pagpunta ko dito, dapat ay alam mo na iyon." nakaramdam ako ng panginginig pagkarinig sa sinabi nito.

"Kung si Roberto ang kailangan mo wala siya ngayon dito, hindi pa siya umuuwi." Her smile didn't falter kahit na narinig nito na wala dito si Roberto kung meron mang pagbabago mas lumaki pa ang pagkakangisi nito.

"Sino nagsabi sa'yo na si Roberto ang kailangan ko?" sambit nito habang mabagal na naglalakad papunta sa direksiyon ko.

Tinapunan ko ng tingin ang lalaki na nasa likod ni Glacier, kakaiba ang pakiramdam ko sa tao na ito. Ang kakaibang pakiramdam ko ay nagsimulang sumama ng diretso itong tumingin sa'kin at ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng maglabas ito ng isang maliit na kutsilyo.

Naaalarmang umatras ako sa hinihigaan kong hospital bed pero napigilan ako sa pagkilos ng hilahin ni Glacier ang buhok ko at kahit na doble ang timbang ko ngayon ay nahila pa din ako nito pabagsak sa sahig.

"Ugh!" daing ko habang hawak ang nasaktan kong balakang.

Mistakes From The Past Where stories live. Discover now