Chapter 59

13 0 0
                                    

Isang oras na kaming nandito sa pulis station pero hanggang ngayon ay wala pa din nag-aayos ng case namin. Ang sabi ng pulis sa'min ay may kakausap pa daw sa'min na importanteng tao pero hanggang ngayon ay wala pa naman akong nakikitang importanteng tao.

"Sir hanggang anong oras pa ba kami dito?" mukhang hindi lang ako ang nakakaramdam ng pagkainip dahil maging si Lucas yata ay naiinip na din dahil nagtanong na ito.

"Masyado ka namang mainipin!" said the amused voice of the girl I despise the most.

"Sa lahat naman ng pwedeng makita bakit ikaw pa?" Lucas retort and I can see his stare bore into her.

"Tch!" ingos nito.bago umupo sa harapan naming dalawa ni Lucas.

"Hello guys!" binati kami nito na para bang wala kami sa presinto at hindi niya kami idinedemanda.

Napasimangot ako sa nakangiti nitong mukha bago ako bumaling sa pulis na mag-interview sa'min.

"Sir sino po ba yung importanteng tao na hinihintay natin?"

"Ayan na yung isa pa nating hinintay." sagot nung pulis at saka itinuro si Glacier.

"Hi!" ngumiti na naman ng matamis at malaki si Glacier kahit hindi ko naman hinihingi ito.

"You better stop smiling because nothing is worth smiling." parang-bula na naglaho ang mga ngiti ni Glacier pagkarinig sa sinabi ni Lucas.

Lihim akong napahalakhak dahil dun.

"Huwag kang masyado mayabang Lucas at baka hindi ka na makalabas dito." inis na banta nito pero ang lokong si Lucas ngumisi lang ng malaki.

"Sir before this two kill each other pwede na ba nating pag-usapan ang tungkol sa kaso dahil walang kasama ang MAG-INA ko." diretso lang ang tingin ko sa pulis pero pinagdiinan ko ang salitang mag-ina para inisin si Glacier.

"Mag-ina eh hinalay niyo nga akong dalawa!" sabay na napahalakhak kami ni Lucas pagkarinig sa sinabi ni Glacier.

"Hamak naman ang ganda ng asawa ko sayo, kaya bakit naman kita gagalawin?" puno ng pang-uuyam na sagot ko.

"True, Christelle is way more gorgeous than you." Pagsang-ayon naman ni Lucas.

"Damn you two!" nanggagalaiting sigaw ni Glacier at itinuro kaming dalawa ni Lucas.

"Damn you too, I almost lost my kid because of you!" I lose my temper and it's bad kasi may kaharap kaming pulis.

"Bagay lang yun sa kanya dapat nga tuluyan ng nalalaglag ang anak niyo at kayong dalawa sisiguraduhin ko na mabubulok kayo dito." pagtatapos nito at saka kami tinalikuran.

"Sir?" tawag ko sa pulis na mukhang nagulat din sa nangyaring sigawan.

Mistakes From The Past Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora